2023
Ang Organisasyon ng Simbahan ni Jesucristo
Oktubre 2023


“Ang Organisasyon ng Simbahan ni Jesucristo,” Liahona, Okt. 2023.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Ang Organisasyon ng Simbahan ni Jesucristo

larawan ng mukha ni Jesucristo

Ang Panginoong Jesucristo, ni Del Parson

Ang Tagapagligtas ang namumuno sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Binibigyang-inspirasyon Niya ang mga propeta at apostol na pamunuan ang Simbahan ngayon, tulad ng ginawa Niya noong panahon ng Bagong Tipan. Tinutulungan sila ng iba pang mga lider ng Simbahan.

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Simbahan ng Tagapagligtas. Ito ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok” (Efeso 2:20). Ibig sabihin nito ay Siya ang pinakamahalagang bahagi ng saligan. Ginagabayan Niya ang Simbahan sa pamamagitan ng mga propeta at apostol na pinili Niyang maging mga pinuno.

Unang Panguluhan

Ang Unang Panguluhan

Ang Pangulo ng Simbahan ang propeta ng Diyos sa lupa ngayon. Siya ang senior na Apostol at ang tanging tao sa lupa na tumatanggap ng paghahayag para gabayan ang buong Simbahan. Binibigyang-inspirasyon siya ng Panginoon na malaman kung sinong dalawang Apostol ang tatawaging maglingkod bilang kanyang mga tagapayo. Sila ang bumubuo sa Unang Panguluhan. Lahat silang tatlo ay mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Korum ng Labindalawang Apostol

Ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay mga propeta, tagakita, at tagapaghayag din. Sila ay tinawag na maging mga natatanging saksi ni Jesucristo. Naglalakbay sila sa buong mundo para magturo at magpatotoo tungkol sa Kanya. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:23, 33.)

Mga Korum ng Pitumpu

Ang mga miyembro ng Pitumpu ay tinatawag din para maging mga saksi ni Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:25). Tinutulungan nila ang Korum ng Labindalawa na ituro ang ebanghelyo at itayo ang Simbahan sa buong mundo.

mga lider na nag-uusap-usap

Larawang-kuha ni Machiko Horii

Mga Lokal na Lider

Ang inyong stake o district presidency, bishopric o branch presidency, at mga elders quorum at Relief Society presidency ay tinawag din ng Diyos. Matutulungan nila kayong matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo. Matututo ka tungkol sa ilan sa mga calling na ito sa artikulo na Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo sa Marso 2022 na, “Paglilingkod sa mga Tungkulin sa Simbahan.”