“Maaari ba Nating Matamo sa Sariling Sikap ang Ating Kaligtasan?,” Liahona, Okt. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Maaari ba Nating Matamo sa Sariling Sikap ang Ating Kaligtasan?
Sinabi ni Apostol Pablo sa mga naunang Kristiyano, “isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig” (Filipos 2:12). Nagtanong si Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Ang ibig kayang sabihin ng [talatang] iyon ay na gagawing posible ng kabuuan ng ating sariling kabutihan ang ating kaligtasan at kadakilaan?” Paliwanag niya, “Sa kabila ng lahat ng ating pagsunod at mabubuting gawa, hindi tayo maliligtas mula sa epekto ng ating mga kasalanan kung wala ang biyayang ipinagkaloob sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Jesucristo” (“What Think Ye of Christ?,” Ensign, Nob. 1988, 67).
Itinuturo ng mga banal na kasulatan at ng mga propeta na kailangang umasa tayo sa biyaya ni Jesucristo at gumawa at tumupad ng mga tipan sa Ama sa Langit upang makatanggap ng buhay na walang hanggan. Isipin ang mga turong ito ng propeta habang pinag-aaralan mo ang Filipos 2:12–13: