2023
Mga Sulat ni Apostol Pablo
Oktubre 2023


“Mga Sulat ni Apostol Pablo, Bahagi 3,” Liahona, Okt. 2023.

Mga Sulat ni Apostol Pablo

Bahagi 3

parchment na may kasamang lalagyan ng tinta at panulat

Larawang-guhit ni Elspeth Young

1 Timoteo

  • Kay Timoteo, isang lider ng Simbahan sa Efeso (isang lungsod sa Turkey sa makabagong panahon)

  • Malamang na isinulat mula sa Macedonia noong mga AD 64–65

  • Layunin: Para tulungan si Timoteo na mas maunawaan ang kanyang mga tungkulin sa Simbahan

  • Mahahalagang turo: Mga babala tungkol sa maling doktrina, mga responsibilidad ng mga lider ng Simbahan, payo kung paano maglingkod, at paghikayat na gumawa ng mabubuting gawa

2 Timoteo

  • Kay Timoteo, isang lider ng Simbahan sa Efeso (isang lungsod sa Turkey sa makabagong panahon)

  • Isinulat mula sa Roma noong mga AD 64–65

  • Layunin: Para magbigay ng lakas sa gitna ng mga pagsubok at hikayatin ang Simbahan na manatiling malakas sa pagpanaw ni Pablo

  • Mahahalagang turo: Apostasiya, pagtatamo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo, at mga pagpapala at hamon ng pagkadisipulo

Tito

  • Kay Tito, isang Griyegong convert

  • Isinulat mula sa Nicopolis (isang lungsod sa Greece sa makabagong panahon) noong mga AD 64–65

  • Layunin: Para mapalakas si Tito nang pamunuan niya ang Simbahan sa Creta (isang isla sa Greece)

  • Mahahalagang turo: Pag-asa para sa buhay na walang hanggan, mga kwalipikasyon ng mga bishop, pamumuhay nang matwid, at paggawa ng mabubuting gawa pagkatapos ng binyag

Filemon

  • Kay Filemon, isang convert sa Colosas (isang lungsod sa Turkey sa makabagong panahon)

  • Isinulat mula sa Roma noong mga AD 60–62

  • Layunin: Para hikayatin si Filemon na patawarin ang kanyang tumakas na alipin, si Onesimo, na sumapi sa Simbahan

  • Mahahalagang turo: Pagpapatawad at pagkakaisa bilang magkakapatid sa ebanghelyo

Mga Hebreo

  • Sa mga Judiong miyembro ng Simbahan sa Jerusalem

  • Malamang na isinulat mula sa Roma noong mga AD 60–62

  • Layunin: Para hikayatin ang mga Kristiyanong Judio na manatiling matatag sa kanilang pananampalataya sa halip na bumalik sa batas ni Moises

  • Mahahalagang turo: Ang likas na katangian at misyon ni Jesucristo, ang Melchizedek Priesthood, pagtitiwala kay Cristo, at isang diskurso tungkol sa pananampalataya