“Ano ang Kaugnayan ng Pag-oorden Noon pa man sa Kalayaang Pumili?,” Liahona, Okt. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Kaugnayan ng Pag-oorden Noon pa man sa Kalayaang Pumili?
Sinabi ni Pablo sa mga taga-Efeso na pinili sila ng Diyos para maging Kanyang mga tao, “ayon sa pagkapili niya sa atin sa kanya bago itinatag ang sanlibutan” (Efeso 1:4). Sa premortal na buhay, pinili, o inorden ng Diyos noon pa man, ang mga tao para gampanan ang ilang misyon sa kanilang buhay. Ibig bang sabihin niyan ay hindi naaapektuhan ng ating mga pagpili ang ating buhay?
Ang Papel ng Pag-orden Noon pa Man
Ang mga propeta at ang Tagapagligtas ay inorden bago pa sila isinilang (tingnan sa Jeremias 1:5; Apocalipsis 13:8; 1 Nephi 10:7–8; Abraham 3:22–23), at “ang doktrina ng pag-oorden noon pa man ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan.”1 Pero hindi ibig sabihin niyan na ginagarantiyahan ang ating mga pagpapala. Bagkus, pinangakuan tayo ng ilang pagpapala alinsunod sa ating pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Kanyang mga utos.
Ang Papel ng Kalayaang Pumili
Nabigyan tayo ng Diyos ng kalayaang pumili, “ang kakayahan at pribilehiyong ibinigay ng Diyos sa atin upang makapili at kumilos para sa ating sarili.”2 Nakikita ng Diyos ang ating potensyal at alam ang mga ibubunga ng ating mga ginagawa. Pero nasa atin na kung pipiliin natin ang landas ng pagkadisipulo na umaakay sa atin pabalik sa Kanya.
“Ang pag-oorden noon pa man ay hindi garantiya na ang mga tao ay tatanggap ng mga tiyak na tungkulin o responsibilidad. Dumarating sa buhay na ito ang gayong mga oportunidad bunga ng matwid na paggamit ng kalayaang pumili, tulad ng pag-oorden noon pa man sa isang tao bunga ng kabutihan niya sa buhay bago siya isinilang.”3