2023
Paano Ako Maaaring Maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo?
Oktubre 2023


“Paano Ako Maaaring Maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo?,” Liahona, Okt. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Tesalonica 5

Paano Ako Maaaring Maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo?

Itinuro ni Pablo na ang araw ng pagbabalik ni Jesucristo ay darating na “gaya ng magnanakaw sa gabi,” na ikinukumpara ito sa “isang babaing nagdadalang-tao” na biglang nakaramdam na manganganak na siya (1 Tesalonica 5:2–3). Inilalarawan ng mga metaporang ito na darating si Cristo sa panahong hindi natin inaasahan.

Kahit hindi natin alam kung kailan talaga mangyayari ang Ikalawang Pagparito, maaari tayong maging handa kapag nangyari ito. Narito ang apat na paraan na maaari tayong makapaghanda.

tatlong lalaking nag-uusap

Maaari kong ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

“Tayo ang mga tao na binigyan ng responsibilidad bago ang pagdating ng Ikalawang Pagparito ni Jesucristo; titipunin natin ang mga anak ng Diyos, yaong mga makikinig at tatanggapin ang mga katotohanan, tipan, at pangako ng walang-hanggang ebanghelyo.”1

dalagitang nagdarasal

Maaari kong anyayahan ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng aking mga kilos.

“Ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya para protektahan ang ating mga pang-araw-araw na karanasan upang manatili sa atin ang impluwensya ng Espiritu Santo. Tayo ay isang ilaw sa sanlibutan, at kung kinakailangan, kusa nating pinipiling maiba sa iba.”2

babaing tumatanggap ng tinapay ng sakramento

Maaari akong gumawa at tumupad ng mga tipan sa Diyos.

“Ang kapangyarihang kailangan natin para matiis ang ating mga pagsubok ay ang kapangyarihan ng Panginoon, at dumadaloy ang Kanyang kapangyarihan sa ating mga tipan sa Kanya. … Kahit magkamali tayo, naroon Siya.”3

mga taong naglalakad papunta sa templo

Maaari akong dumalo sa templo nang mas regular.

“Ang pinakakatangi-tanging bahagi ng Pagpapanumbalik ay ang banal na templo. Ang mga banal na ordenansa at tipan nito ay mahalaga sa paghahanda sa mga tao na handang sumalubong sa Tagapagligtas sa Kanyang Ikalawang Pagparito.”4