Pagsang-ayon sa mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisyal
Mga kapatid, pribilehiyo ko ngayong ipakilala sa inyo ang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisyal ng Simbahan para sa inyong boto ng pagsang-ayon.
Hinihiling namin na ipakita lamang ninyo ang inyong suporta sa karaniwang paraan, saanman kayo naroon. Kung mayroong mga tutol sa alinman sa mga iminungkahi, hinihiling namin na kontakin ninyo ang inyong stake president.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin sina Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Dallin Harris Oaks bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Henry Bennion Eyring bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon, ipakita lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin si Dallin H. Oaks bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at si Jeffrey R. Holland bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.
Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.
Ang sinumang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang sumusunod bilang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol: Jeffrey R. Holland, Dieter F. Uchtdorf, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, Dale G. Renlund, Gerrit W. Gong, Ulisses Soares, at Patrick Kearon.
Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.
Ang sinumang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Lahat ng sang-ayon, ipakita lamang.
Ang hindi sang-ayon, kung mayroon man, ay ipakita rin.
May anim na bagong Area Seventy na sinang-ayunan sa mga general conference leadership meeting noong Huwebes, Oktubre 3, at pagkatapos ay ibinalita sa website ng Simbahan. Inaanyayahan namin kayong sang-ayunan ang mga kapatid na ito sa mga bago nilang assignment.
Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.
Ang sinumang hindi sang-ayon, ipakita rin.
Iminumungkahi na sang-ayunan natin ang iba pang kasalukuyang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisyal.
Lahat ng sang-ayon ay maaari itong ipakita sa pagtataas ng kamay.
Ang mga hindi sang-ayon, kung mayroon man.
Salamat, mga kapatid, sa inyong patuloy na pananampalataya at mga panalangin para sa mga pinuno ng Simbahan.
Mga Pagbabago sa mga Area Seventy
Ang sumusunod na mga Area Seventy ay sinang-ayunan sa isang leadership session na idinaos bilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya:
Miguel A. Avila, Jean Pierre A. L. Haboko, Ramiro Ibarra Sanchez, George Katembo Njogu Munene, A. Enrique Texeira, Francisco Villanueva Rojas.