Pambungad sa Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya (Religion 200),” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya (2022)
“Pambungad,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya
Pambungad sa Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya (Religion 200)
Malugod na pagbati mula sa kursong Ang Walang Hanggang Pamilya! Salamat sa pagtanggap sa pagkakataong tulungan ang mga young adult na lumapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng doktrina tungkol sa pamilya sa plano ng Ama sa Langit. Ang kurikulum na ito ay ginawa upang tulungan kang maghikayat ng mga karanasang nakasentro kay Cristo at nakatuon sa mag-aaral para sa iyong mga estudyante na hahantong sa pagkakaroon nila ng mas malalim na pagbabalik-loob sa Tagapagligtas.
Ano ang mga resultang nilalayong makamit ng kursong ito?
Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion ay nagsasaad na:
Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at young adult na maunawaan ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa rito, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit. (Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo: Isang Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion [2012], 1)
Sa pagtupad sa Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion, ang kursong ito ay nilayong tulungan ang mga estudyante na
-
ipaliwanag ang mahalagang ginagampanan ng pamilya sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit,
-
suriin ang mga tanong at isyu na may kaugnayan sa pamilya nang may walang-hanggang pananaw,
-
kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa pagharap sa mga hamon sa personal na buhay at sa pamilya at sa mga pang-uudyok ng lipunan,
-
ipamuhay ang mga turo ni Jesucristo sa kanilang mga pagsisikap na gumawa at tumupad ng mga sagradong tipan at patatagin ang mga ugnayan ng pamilya, at
-
dagdagan ang kanilang kakayahang gampanan ang mga sagradong responsibilidad sa pamilya at maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Paano binalangkas ang manwal na ito?
Ang mga nilalaman ng manwal na ito ay nilayon na tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mga makabuluhan at nagpapalakas na karanasan sa labas at loob ng silid-aralan. Ang bawat lesson ay binubuo ng materyal sa paghahanda para sa klase at materyal ng titser. Ang mga materyal na ito ay nilayon na tulungan ang mga estudyante na maghanda nang mabuti, mag-aral nang mas malalim, at kumilos sa mga paraang makatutulong sa kanila na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Itinuro ni Elder Kim B. Clark, dating miyembro ng Pitumpu, kung ano ang dapat gawin ng isang estudyante (at titser) para matuto nang malalim:
Kung talagang gusto ninyong matuto nang malalim, kung ang inyong puso’t isipan ay handang matuto, at kung kikilos kayo ayon sa hangaring iyan, pagpapalain kayo ng Panginoon. Kapag ginawa ninyo ang inyong bahagi—manalangin nang may pananampalataya, maghanda, mag-aral, aktibong makibahagi, at gawin ang lahat—tuturuan kayo ng Espiritu Santo, daragdagan ang inyong kakayahang kumilos ayon sa natutuhan ninyo, at tutulungan kayong maging katulad ng nais ng Panginoon na kahinatnan ninyo. (“Pagkatuto para sa Buong Kaluluwa,” Liahona, Ago. 2017, 27)
Materyal sa Paghahanda para sa Klase
Ang materyal sa paghahanda para sa klase ay ginawa para pag-aralan mo at ng iyong mga estudyante bilang paghahanda para sa klase. Kabilang dito ang mga turo mula sa mga banal na kasulatan at mga lider ng Simbahan gayundin ang bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” na nagbibigay ng mga karagdagang sanggunian o resources na may kaugnayan sa paksa ng lesson.
Naglalaman din ang materyal sa paghahanda para sa klase ng mga tanong at aktibidad na tutulong sa mga estudyante na palalimin ang kanilang natututuhan at maging mas handang makibahagi sa klase. Halimbawa, sa materyal sa paghahanda para sa lesson 10, “Ang Bago at Walang Hanggang Tipan ng Kasal,” ang mga estudyante ay binibigyan ng pagkakataong pag-aralan ang mga turo mula sa mga banal na kasulatan at mga lider ng Simbahan tungkol sa tipan ng walang hanggang kasal at ordenansa ng pagbubuklod. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na gawin ang sumusunod na aktibidad:
Materyal ng Titser
Ang bawat lesson ay ginawa para sa isang 50-minutong class period. Para sa mga klaseng nagpupulong minsan sa isang linggo nang 90 o mahigit pa, hinihikayat kang pagsamahin ang dalawang lesson.
Sa pambungad ng materyal ng titser para sa bawat lesson, makikita mo ang isang deskripsyon tungkol sa mga resulta na dapat matamo sa lesson. Ang pambungad na ito ay sinusundan ng mga iminungkahing ideya sa pagtuturo na naglalahad ng balangkas ng lesson, nilalaman, mga tulong sa talakayan, at mga ideya sa pagpapamuhay.
Habang pinag-aaralan mo ang materyal ng titser, pagtuunan kung paano ginagamit nito ang paghahanda ng mga estudyante. Ang sumusunod na tagubilin mula sa lesson 10 ay isang halimbawa:
Sa patuloy na paggamit sa paghahanda ng mga estudyante, matutulungan mo silang madama ang kahalagahan ng paghahanda para sa bawat klase at matutulungan silang matuto nang malalim.
Paalala: Kapag naghanda ang mga estudyante para sa talakayan ng klase, matutuklasan mo na mas madali kayong nagkakaroon sa klase ng malalim at makabuluhang talakayan ng doktrina at mga alituntunin na nauugnay sa walang hanggang pamilya. Nagbibigay ito ng mas maraming oras sa klase para malaman kung paano ninyo maipamumuhay ng iyong mga estudyante ang mga katotohanang natukoy nila sa mga lesson.
Paano ako epektibong maghahanda na magturo?
Tutulungan ka ng Ama sa Langit habang naghahanda ka at tinuturuan mo ang Kanyang mga anak. Ang iyong mga pagsisikap na masigasig na pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ipamuhay ang ebanghelyo ay tutulong sa iyo na maging karapat-dapat sa patnubay ng Espiritu sa iyong paghahanda na magturo.
Habang pinag-aaralan mo ang mga materyal sa paghahanda para sa klase at ang mga materyal ng titser para sa bawat lesson, manalangin na tulungan ka ng Panginoon na maunawaan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Manatiling bukas—lalo na sa Espiritu. Maging maluwag sa paggamit ng inyong lesson plan. Kung kailangan ninyong iksian ang isang lesson para makapagpatotoo at makahikayat ng talakayan sa isang napapanahong isyu, mangyaring gawin ito kapag ipinahiwatig ng Espiritu na angkop ito. …
… Tandaan na ang estudyante ay hindi isang lalagyan na pupunuin; ang estudyante ay isang apoy na pagniningasin. (“Mga Anghel at Panggigilalas” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System training broadcast, Hunyo 12, 2019], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)
Lalo na kung pinagsama mo ang dalawang lesson sa isang class period, pag-isipan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante, at humingi ng patnubay sa Espiritu. Ang paggawa ng mga bagay na ito ay makatutulong sa iyo na malaman kung aling mga bahagi ng materyal ng titser ang gagamitin ayon sa nakalahad dito at aling mga bahagi ang iaangkop upang makapagbigay ng mas makabuluhang mga karanasan sa pag-aaral para sa iyong mga estudyante. Maaaring kabilang dito ang pagpapasiya kung aling mga bahagi ng materyal ng titser ang bibigyang-diin at alin ang ibubuod.
Maaaring makatulong na itanong sa iyong sarili ang ilan sa mga sumusunod bilang bahagi ng iyong paghahanda na ituro ang bawat lesson:
-
Nanalangin ba ako para matanggap ang patnubay ng Espiritu Santo at maunawaan ang mga pangangailangan ng aking mga estudyante? Paano ko malalaman kung anong bahagi ng lesson ang pinakanauugnay sa kanila? Paano ko maipadarama ang pagmamahal ko sa kanila?
-
Lubos ko bang nauunawaan ang materyal sa paghahanda para sa klase, pati na ang mga banal na kasulatan, at ang materyal ng titser? Mayroon pa bang anumang bagay na kailangan kong iangkop para matugunan ang mga pangangailangan ng aking mga estudyante?
-
Paano ko matutulungan ang aking mga estudyante na magtuon sa Tagapagligtas at matuto mula sa Espiritu Santo sa lesson na ito?
-
Paano ko mahihikayat ang mga estudyante na mag-aral mabuti at paano ko sila matutulungan na makibahagi nang lubos sa lesson? Paano ko matitiyak na mayroon silang sapat na panahon na kailangan nila para personal na makapagplano na maipamuhay ang natututuhan nila?
-
Paano ko magagawang maipadama sa mga estudyante ko na kabilang sila sa klase? Paano ko maipadarama sa kanila na sila ay pinahahalagahan, tinatanggap, at ligtas na makapagbabahagi at matututo sa isa’t isa sa klase? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:78, 122.)
Paano ko iaakma ang mga lesson para sa mga estudyanteng may kapansanan?
Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyanteng may mga partikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at mga ekspektasyon para maisali sila at matulungan silang magtagumpay. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa mga resource sa Disabilities page sa disabilities.ChurchofJesusChrist.org.
Paano tumatanggap ang mga estudyante ng credit para sa kursong ito?
Upang makatanggap ng credit na kailangan para makapagtapos sa institute, dapat magawa ng mga estudyante na
-
pag-aralan ang materyal sa paghahanda nang hindi bababa sa 75 porsiyento ng mga lesson,
-
daluhan ang 75 porsiyento ng mga klaseng idinaos, at
-
kumpletuhin ang isa sa apat na learning experience:
-
Magsulat sa study journal.
-
Isinusulat ang mga sagot sa lahat ng tanong at aktibidad sa materyal sa paghahanda (tandaan na hindi kailangang isumite ng mga estudyante ang kanilang study journal o mga sagot sa iyo; sa katapusan ng semester, kailangan lang nilang ipakita sa iyo ang nakumpleto nila).
-
Magsulat ng sanaysay bilang sagot sa tatlong tanong.
-
Magplano ng sariling proyekto mula sa natutuhan at tapusin ito (dapat may pahintulot ng titser) na may kaugnayan sa nilalaman ng kurso. (Tingnan ang iba pang mga detalye sa page na Pagbutihin ang Learning Experience sa Institute sa SimbahanniJesucristo.org.)
-