Institute
Lesson 18: Materyal ng Titser: Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan


“Lesson 18 Materyal ng Titser: Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 18 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Lesson 18 Materyal ng Titser

Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan

Ipinagkatiwala ng Panginoon sa mga magulang ang responsibilidad na maglaan para sa temporal na mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Sa lesson na ito, sasaliksikin ng mga estudyante kung paano mas mapahuhusay ng pagiging self-reliant ang kanilang kakayahang gawin ang responsibilidad na ito. Ipapatukoy rin sa mga estudyante kung paano nila pag-iibayuhin ang kanilang mga pagsisikap na ipamuhay ang mga alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Responsibilidad ng mga magulang na maglaan para sa temporal na mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Idispley sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Ang mga magulang ay may banal na tungkuling maglaan para sa pisikal at espirituwal na mga pangangailangan ng kanilang mga anak (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” simbahannijesucristo.org).

  • Ano ang nadarama o tanong ninyo tungkol sa sagradong tungkuling ito?

  • Ano ang kasalukuyan ninyong ginagawa upang makapaghanda para sa tungkuling ito at magampanan ito?

Isulat sa pisara ang salitang self-reliance. Sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang mga salita na naglalarawan sa isang taong self-reliant. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung bakit nila pinili ang mga salitang iyon.

  • Bakit mahalaga na maging self-reliant tayo? (Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari mong gamitin ang mga turo sa Doktrina at mga Tipan 75:28–29 at ang iba pang mga turo sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay maaari mong tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Ang masigasig na pagtatrabaho ay tumutulong sa mga magulang na maging self-reliant at makapaglaan para sa espirituwal at temporal na mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pagiging self-reliant ay tumutulong sa atin na maging higit na katulad ng Tagapagligtas. Ang pagiging self-reliant ay nagpapaibayo sa kakayahan nating maglingkod sa iba.)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Pakinggang mabuti ang mga komento at sagot ng mga estudyante. Kung minsan ay masyadong inaalala ng mga titser kung ano ang susunod na sasabihin o gagawin nila kaya’t hindi nila napapakinggang mabuti ang sinasabi ng mga estudyante. Sa pagmamasid at pakikinig nang mabuti sa mga estudyante, mahihiwatigan ng mga titser ang kanilang mga pangangailangan at magagabayan ang talakayan ayon sa patnubay ng Espiritu Santo. Maging handang baguhin ang iyong lesson plan para matalakay ang mga tanong, pangangailangan, at alalahanin ng iyong mga estudyante.

Pumili mula sa mga sumusunod na tanong na pinakanauugnay sa iyong mga estudyante, at magkakasamang talakayin ang mga ito sa klase o sa maliliit na grupo:

  • Sa inyong palagay, bakit angkop ang pagiging self-reliant sa plano ng Ama sa Langit?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo na pahalagahan ang kahalagahan ng masigasig na pagtatrabaho? Anong mga biyaya ang natamo mo sa pagiging masipag? (Maaari ninyong magkakasamang rebyuhin ang pahayag ni Elder D. Todd Christofferson tungkol sa pagtatrabaho sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)

  • Anong mga kapakinabangan ang maidudulot ng edukasyon sa atin at sa ating pamilya? Paano tayo nito matutulungan na maging higit na katulad ng Diyos? (Kung kinakailangan, ipabasa ang ang mga turo tungkol sa edukasyon sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda para mapalalim ang talakayan.)

  • Paano kayo tinulungan ng Panginoon, o paano Niya kayo matutulungan, na maging masigasig sa trabaho at mag-aral pa?

Ipaliwanag na upang gabayan at pagpalain ang Kanyang mga anak, nagtalaga ang ating Ama sa Langit ng ilang responsibilidad sa mga ama at ina. Isulat o idispley sa pisara ang sumusunod na pahayag: Sa plano ng Diyos, ang mga ama … ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay … ng kanilang mga mag-anak (tingnan sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”).

Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na dahil magkakaiba ang kalagayan ng mga mag-asawa at pamilya, sa ilang pagkakataon, kailangang parehong magtrabaho ng ama at ina upang mailaan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

  • Ano ang natutuhan ninyo mula sa payo ni Pangulong M. Russell Ballard kung paano magagawa ng mag-asawa ang ganitong uri ng mga desisyon? (Hikayatin ang mga estudyante na rebyuhin ang pahayag ni Pangulong Ballard sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)

  • Ano ang saloobin ninyo tungkol sa pahayag na ito? (Bilang bahagi ng talakayang ito, maaari mong ibuod ang artikulong “Pagsusumikap na Maging Isang Matalino at Marangal na Ina” [Lilian Pagaduan-Villamor, Liahona, Ago. 2018, 16–17]. Ang artikulong ito ay matatagpuan sa bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” ng materyal sa paghahanda.)

Magpatotoo na gagabayan ng Ama sa Langit ang mga estudyante sa kanilang iba-ibang kalagayan kapag pinag-aralan nila ang mga turo ng mga propeta at sumasangguni sa kanilang asawa at sa Kanya.

Ang mga alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi ay gagabay sa atin sa paglalaan para sa ating pamilya.

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin sandali ang mga scripture passage na pinili nila sa aktibidad sa pag-aaral sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. (Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na rebyuhin ang ilan sa mga scripture passage.)

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante o hatiin sa maliliit na grupo ang klase. Sabihin sa kanila na ibahagi sa isa’t isa ang mga alituntunin sa pananalapi na natutuhan nila mula sa mga scripture passage na ito at talakayin ang sumusunod na tanong (maaari mong idispley sa pisara ang tanong na ito):

  • Paano kayo personal na mapagpapala o ang inyong pamilya sa pamumuhay nang ayon sa alituntuning ito ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi?

Ang sumusunod ay listahan ng mga alituntunin na maaaring matukoy ng mga estudyante mula sa mga scripture passage na nasa materyal sa paghahanda:

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang mga alituntunin na natukoy nila. Pagkatapos ay isulat o idispley sa pisara ang sumusunod na alituntunin: Sa pamumuhay nang ayon sa mga alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi, lalong mapatatatag ng mga indibiduwal at pamilya ang pinansiyal na kalagayan nila at matutulungan ang mga nangangailangan.

  • Kailan kayo o ang inyong pamilya tumanggap ng mga pagpapala dahil ipinamuhay ninyo ang alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa Panginoon at sa Kanyang mga katangian mula sa katotohanan na ibinigay Niya sa atin ang mga alituntuning nauukol sa pinansiyal na tulad nito?

Maaari mong bigyan ang mga estudyante ng oras na pag-isipan ang natutuhan nila tungkol sa pagiging self-reliant, pagiging masigasig sa trabaho, pagtatamo ng edukasyon o propesyonal na training, at pamumuhay ayon sa mga alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi. Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang bagay na maaari nilang simulang gawin, o patuloy na gawin, para mapag-ibayo ang pagiging self-reliant nila at ang mga pagsisikap nila na ipamuhay ang mga alituntuning ito. (Bilang bahagi ng aktibidad na ito, maaari mong sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang isinulat nila bilang tugon sa prompt na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda.)

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa pagnanais ng Panginoon na tulungan tayong maglaan para sa ating temporal na mga pangangailangan.

Para sa Susunod

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang ipinagpapasalamat nila tungkol sa kanilang ina o sa itinuturing nilang ina sa kanilang buhay. Hikayatin silang pag-isipan ang kahalagahan ng mga ina habang pinag-aaralan ang materyal sa paghahanda para sa lesson 19. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sumulat ng maikling liham ng pasasalamat sa kanilang ina o itinuturing na ina.

Print