“Lesson 6 Materyal ng Titser: Ang Kasal sa Pagitan ng Isang Lalaki at ng Isang Babae ay Inorden ng Diyos,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya( 2022)
“Lesson 6 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya
Lesson 6 Materyal ng Titser
Ang Kasal sa Pagitan ng Isang Lalaki at ng Isang Babae ay Inorden ng Diyos
Taimtim na ipinahayag ng mga propeta, apostol, at iba pang mga lider ng Simbahan na “ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” ChurchofJesusChrist.org). Sa lesson na ito, aanyayahan ang mga estudyante na ipaliwanag kung bakit mahalagang bahagi ng plano ng Diyos ang kasal. Tutukuyin din ng mga estudyante kung ano ang magagawa nila para manampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa kanilang pag-aasawa.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagiging katulad ng Diyos.
Upang masimulan ang klase, maaari mong itanong sa mga estudyante kung ano ang mga paniniwala ng mga tao sa lipunan tungkol sa kasal. O maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon:
-
Paano ninyo maaaring sagutin ang mga ideyang ito?
Ibuod nang maikli ang konteksto para sa Doktrina at mga Tipan 49. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 49:15–16. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang pananaw ng Panginoon tungkol sa kasal.
Isulat ang sumusunod na doktrina mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak: “Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos … [at] mahalaga sa Kanyang walang hanggang plano” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”).
-
Paano ninyo maipapaliwanag kung bakit ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos at mahalaga sa Kanyang walang hanggang plano? (Kung kinakailangan, tingnan ang mga paliwanag sa doktrinang ito sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.)
Kilalanin na maaaring may ilang tao na nagnanais na mag-asawa ang hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-asawa sa buhay na ito. Ang iba naman ay maaaring nakapag-asawa ngunit naghiwalay rin.
-
Ano ang ibabahagi ninyo sa mga taong nakadarama na nawala sa kanila ang mga pagkakataon na magkaroon ng kaligayahan at buhay na walang hanggan dahil hindi sila nakapag-asawa? (Kung kinakailangan, iparebyu sa mga estudyante ang bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
Bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga impresyon tungkol sa mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang naiisip at nadarama mo habang pinagninilayan mo ang katotohanan na ang kasal ay mahalagang bahagi ng walang hanggang plano ng Diyos para sa iyo?
Gamit ang sarili mong karanasan, maaari mong patotohanan ang epekto sa iyo ng doktrina ng Panginoon tungkol sa kasal.
Matutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na madaig ang takot at magkaroon ng kaligayahan sa ating pag-aasawa.
Idispley ang sumusunod na pahayag: Naniniwala ako na ang pagsasama naming mag-asawa ay magiging puno ng pagmamahal at magtatagal. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na i-rank ang kanilang sarili sa scale na mula 1 hanggang 4 (1=hindi sumasang-ayon; 4=sumasang-ayon) upang ipakita kung gaano sila personal na naniniwala sa pahayag na ito. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit nila nadarama ang gayon.
-
Ano ang pinangangambahan o ikinatatakot mo, o ng ibang kakilala mo, tungkol sa pag-aasawa, at bakit?
-
Ano ang mga karaniwang dahilan ng pagpapaliban sa pag-aasawa ng mga young adult?
Ipaliwanag na ang mga sumusunod na aktibidad sa pag-aaral ay naglalayong tumulong sa pagtugon sa ilan sa mga pangamba, alalahanin, at tanong na ito. Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Magtalaga ng isang lider para sa bawat grupo, at bigyan siya ng sumusunod na handout (o gumawa ng sarili mong handout na mas angkop sa iyong mga estudyante). Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante upang magkaroon ng makabuluhang talakayan.
Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang ilang lider ng grupo na magbahagi ng isang katotohanan o ideya na natutuhan nila mula sa talakayan ng kanilang grupo. Maaari mong isulat sa pisara ang mga katotohanang natukoy nila, na maaaring kabilangan ng katotohanang tulad ng sumusunod: Kapag umaasa tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo nang may pananampalataya, madaraig natin ang takot at gagabayan Nila ang ating landas.
Bilang karagdagang patotoo sa katotohanang ito, maaari mong ibahagi ang karanasan nina Elder at Sister Holland sa pagpiling magpakasal na matatagpuan sa bahaging “Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?” ng materyal sa paghahanda. O maaari mong ibahagi ang sumusunod na karanasan na ikinuwento ni Elder Carl B. Cook ng Pitumpu:
Maraming taon na ang nakaraan, nagsabi sa amin ang isang tapat na binata na nadismaya siya sa posibilidad ng pagkakaroon ng masayang buhay may-asawa. Hindi lamang ang kanyang mga magulang ang nagdisborsiyo, kundi ang lahat ng tiya at tiyo niya sa magkabilang partido ng kanyang pamilya. Sinabi niya na hindi pa siya kailanman personal na nakakita ng masayang pagsasama ng mag-asawa. Gayunman, sa tulong ng Panginoon, nadaig niya ang kanyang takot at ikinasal sa templo. Silang mag-asawa ay masayang nagsasama at nagkaroon ng limang magagandang anak. (Carl B. Cook, “Patuloy na Pag-unlad patungo sa Kasal na Pang-walang Hanggan” [pandaigdigang debosyonal para sa mga Young adult, Mayo 5, 2019], ChurchofJesusChrist.org)
Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na maisulat ang anumang bagay na nadama nilang gawin upang lalo pang manampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na may kaugnayan sa kasal.
Ipaliwanag na sa buong kursong ito, marami pang matututuhan ang mga estudyante kung paano sila matutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na magtagumpay sa pagbuo ng matatag at walang hanggang pagsasama ng mag-asawa. Tiyakin sa mga estudyante na mahal sila ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at Sila ay masigasig at tapat sa pagtulong sa kanila.
Para sa Susunod
Hikayatin ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral ng materyal sa paghahanda para sa lesson 7 na mapanalanging pag-isipan kung paanong “ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa [ating] buhay bago pa ang buhay [natin] sa mundo, sa buhay [nating] mortal, at sa walang hanggan” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). Sabihin sa kanila na isipin din kung paano sila tutugon nang may pagmamahal na tulad ng kay Cristo sa mga taong may mga tanong na nauugnay sa kasarian.