Institute
Lesson 20 Materyal ng Titser: Ang Sagradong mga Responsibilidad ng mga Ama


“Lesson 20 Materyal ng Titser: Ang Sagradong mga Responsibilidad ng mga Ama,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 20 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Lesson 20 Materyal ng Titser

Ang Sagradong mga Responsibilidad ng mga Ama

Itinalaga ng Ama sa Langit sa Kanyang mga anak na lalaki ang sagradong responsibilidad na protektahan ang kanilang pamilya. Sa lesson na ito, ipaliliwanag ng mga estudyante ang mga paraan kung paano magagampanan ng kalalakihan ang responsibilidad na ito. Tatalakayin nila kung paano perpektong ipinakita ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang tungkulin ng mga ama na protektahan ang kanilang pamilya. Pagninilayan at paplanuhin din ng mga estudyante kung paano sila makaaasa sa tulong ng langit kapag ibinahagi nila ang sagradong responsibilidad na ito sa kanilang asawa.

Paalala: Ang mga responsibilidad ng kalalakihan na mangulo at maglaan para sa kanilang pamilya ay tinalakay na sa nakaraang mga lesson.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Diyos ay perpektong halimbawa ng pagiging ama.

Bilang bahagi ng debosyonal para sa lesson na ito, maaaring ipaawit ang himnong “Aking Ama” (Mga Himno, blg. 182) o iba pang himno na nauugnay sa ating Ama sa Langit.

Maaari mong simulan ang lesson sa pagpapakita ng larawan ng isang ama kasama ang kanyang pamilya at pagtatanong sa mga lalaki sa klase ng sumusunod:

  • Ano ang mga naiisip, nadarama, o inaalala ninyo tungkol sa pagiging ama?

Pagkatapos ay itanong sa klase:

  • Ano sa palagay ninyo ang ilan sa pinakamatitinding hamon sa pagiging mabuting ama sa ating panahon? (Maaari mong iparebyu sa mga estudyante ang pahayag ni President Linda K. Burton sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.)

  • Ano ang mga pagkakaiba ng pananaw ng ilang tao sa pagiging ama at ng pananaw ng Diyos sa pagiging ama?

Ipaalala sa mga estudyante na habang pinag-aaralan nila ang materyal sa paghahanda, nalaman nila na ang Ama sa Langit ay perpektong halimbawa ng pagiging mabuting ama (tingnan ang pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Bigyang-diin ang mga halimbawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Iniutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na maging katulad Niya (tingnan sa 3 Nephi 27:27). Maghanap ng mga paraan para mabigyang-diin ang perpektong halimbawa ng Tagapagligtas at ng Ama sa Langit habang tinatalakay ninyo sa klase ang mga katotohanan.

Ipaliwanag na matututuhan natin ang mga alituntunin ng pagiging mabuting ama sa pag-aaral din ng halimbawa ni Jesucristo. Magkakasamang rebyuhin ang Juan 10:11–15, at talakayin ang natutuhan ng mga estudyante tungkol sa pagiging mabuting ama mula sa ginagampanan ng Tagapagligtas bilang ating Mabuting Pastol.

  • Ano ang maaaring kailangang “[ibigay]” ng kalalakihan (talata 15), o isuko upang magampanan ang kanilang sagradong mga responsibilidad bilang mga ama? (Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Christofferson bilang bahagi ng talakayan: “Huwag tayong [kalalakihan] maging makasarili at mapagpalayaw sa sarili na talamak sa ating kultura at isipin muna natin ang kaligayahan at kapakanan ng iba” [“Mga Ama,” Liahona, Mayo 2016, 96].)

Upang matulungan ang mga estudyante na matukoy ang iba pang mga alituntunin ng pagiging ama mula sa mga halimbawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, hatiin ang klase sa maliliit na grupo at mag-assign ng isang lider para sa bawat grupo. Sabihin sa mga estudyante na pag-usapan ang kanilang assignment sa aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda bilang bahagi ng kanilang talakayan.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang mga alituntuning tinalakay nila sa kanilang grupo. Maaari mong anyayahan ang isang estudyante na maging tagasulat at ilista sa pisara ang mga alituntuning ito.

Ang mga ama ay may sagradong responsibilidad na protektahan ang kanilang mga pamilya.

Sabihin sa mga estudyante na gawin sa dati rin nilang grupo ang sumusunod na aktibidad. Ibigay sa kalahati ng mga group leader ang isang kopya ng “Group Handout A” at sa natitirang kalahati ang isang kopya ng “Group Handout B.” Sabihin sa mga estudyante na sundin ang mga instruksyon sa mga handout.

Group Handout A—Ang Kapangyarihang Magprotekta ng Isang Mapagmahal at Lubos na Nakatuon na Ama

Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya—Lesson 20

Ipabasa nang malakas sa isang kagrupo ang pahayag ni Pangulong M. Russell Ballard sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay itanong sa iyong grupo:

  • Ano ang ilang paraan na magagampanan ng isang ama ang kanyang sagradong responsibilidad na protektahan ang kanyang pamilya?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa iyong grupo: “Ang mga ama ay kakaiba at walang makakapalit” (“Mga Ama,” Liahona, Mayo 2016, 93). Pagkatapos ay itanong sa iyong grupo:

  • Sa paanong paraan “kakaiba at walang makakapalit” ang mga ama? (Maaari mong imungkahi na sumangguni ang iyong grupo sa mga turo sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda habang tinatalakay nila ang tanong na ito.)

  • Sa paanong mga paraan kayo napagpala at naprotektahan ng pagmamahal at pagiging palaging nariyan ng isang mabuting ama o itinuturing na ama sa inyong buhay?

Group Handout A—Ang Kapangyarihang Magprotekta ng Isang Mapagmahal at Lubos na Nakatuon na Ama

teacher handout A

Group Handout B—Pagprotekta sa mga Pamilya sa pamamagitan ng Banal na Paghahayag at Kapangyarihan ng Priesthood

Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya—Lesson 20

Magkakasamang rebyuhin ang Mateo 2:13–15, at alamin kung paano pinrotektahan ni Jose sina Maria at Jesus.

  • Ano ang matututuhan natin mula sa salaysay na ito tungkol sa kung saan makatatanggap ng tulong ang mga ama para magabayan at maprotektahan ang kanilang pamilya? Paano makatutulong ang paghahayag sa mga ama sa ating panahon?

Ipabasa nang malakas sa isang kagrupo ang mga pahayag nina Pangulong Boyd K. Packer at Pangulong Russell M. Nelson sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay itanong sa iyong grupo:

  • Ano ang tila pinakamahalaga para sa inyo sa pahayag na ito, at bakit?

  • Sa paanong mga paraan kayo naprotektahan sa pamamagitan ng banal na paghahayag o kapangyarihan ng priesthood ng isang mabuting ama o itinuturing na ama sa inyong buhay?

Group Handout B—Pagprotekta sa mga Pamilya sa pamamagitan ng Banal na Paghahayag at Kapangyarihan ng Priesthood

teacher handout A

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa isang estudyante na kabilang sa grupong nag-aral ng “Group Handout A” at sa isang estudyante na kabilang sa grupong nag-aral ng “Group Handout B” na ibahagi sa klase ang natutuhan nila mula sa kanilang mga talakayan. Upang madagdagan ang natutuhan ng mga estudyante, maaari kang magbahagi ng halimbawa kung paano ka napagpala at naprotektahan ng pagmamahal, lubos na atensiyon, banal na paghahayag, o kapangyarihan ng priesthood ng isang mabuting ama o itinuturing na ama sa iyong buhay. (O, maaari kang magbahagi ng isang halimbawa mula sa buhay ni Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Ang ama ni Elder Stevenson ay nakatanggap ng isang babala mula sa Espiritu na nagprotekta kay Elder Stevenson mula sa tuklaw ng ahas noong bata pa siya [tingnan sa Robert D. Hales, “Elder Gary E. Stevenson: Isang Maunawaing Puso,” Liahona, Hunyo 2016, 26].)

Maaari mong ipaliwanag na bilang magkasama na may pantay na pananagutan sa pamilya, ang mga ina ay may responsibilidad rin na protektahan ang kanilang pamilya. Ang mag-asawa ay dapat magtulungan at magsanggunian habang ginagampanan nila ang sagradong tungkuling ito.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang anumang impresyong matatanggap nila (maaari mong ipakita ang mga tanong):

  • Ano ang magagawa mo ngayon para mas mahalin at protektahan ang iyong pamilya at ang iba?

  • Paano mo masusuportahan ang kalalakihan sa iyong buhay sa pagiging karapat-dapat na tagapagtanggol ng kanilang pamilya at ng iba?

  • Paano ka matutulungan ng Panginoon sa mga pagsisikap na ito?

Para tapusin ang lesson, maaari kang magpatotoo o ang isang estudyante tungkol sa kahalagahan ng mga ama at ng pangangailangan nilang tularan ang mga halimbawa ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pagtupad ng kanilang sagradong responsibilidad sa pamilya.

Para sa Susunod

Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isipin ang kanilang mga anak sa kasalukuyan o magiging mga anak habang pinag-aaralan nila ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na alalahanin ang mga pagkakataon noong bata pa sila nang madama nila na sila ay minamahal, kailangang disiplinahin, o natutong maglingkod sa iba.