Institute
Lesson 21 Materyal ngTitser: Palakihin ang mga Anak sa Pagmamahal


“Lesson 21 Materyal ng Titser: Palakihin ang mga Anak sa Pagmamahal,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 21 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Lesson 21 Materyal ng Titser

Pagpapalaki ng mga Anak sa Pagmamahal

Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” simbahannijesucristo.org). Sa lesson na ito tatalakayin ng mga estudyante ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila na gampanan ang kanilang sagradong tungkulin bilang mga magulang na mahalin ang kanilang mga anak. (Ang susunod na lesson ay magtutuon sa pagpapalaki ng mga anak sa kabutihan.) Tutukuyin din ng mga estudyante kung paano nila mamahalin at paglilingkuran ang kanilang pamilya sa paraang mas katulad ng kay Cristo.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Dapat palakihin ng mga magulang ang mga anak sa pagmamahal.

Maaari mong simulan ang klase sa pagtatanong sa mga estudyante kung anong mga bagay ang nakita nilang ginagawa ng sarili nilang mga magulang o ng ibang mga magulang na gusto rin nilang gawin kapag pinalalaki nila ang sarili nilang mga anak. Matapos magbahagi ang ilang estudyante, hikayatin ang klase na alamin ang mga katotohanan sa lesson na ito at sa kasunod na lesson na maaari nilang sundin kapag naging mga magulang sila.

Ipakita ang sumusunod na pahayag mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak: Ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal.

Maaari mong itanong ang ilan sa mga sumusunod upang matulungan ang mga estudyante na mas mapalalim ang kanilang pag-unawa tungkol sa katotohanang ito:

Ipaliwanag na ang pagpapalaki ng mga anak sa pagmamahal ay kinapapalooban ng wastong pagdidisiplina sa kanila kapag kinakailangan. Hatiin ang klase sa maliliit na grupo at magtalaga ng lider sa bawat grupo. Bigyan ang mga group leader ng mga kopya ng sumusunod na handout, at sabihin sa kanila na sundin ang nakasaad na mga instruksyon. (Maaari mong iangkop ang mga sitwasyon para mas maiugnay ang mga ito sa iyong mga estudyante.)

Pagdidisiplina ng mga Anak Ayon sa Pamamaraan ng Panginoon

Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya—Lesson 21

Sabihin sa mga kagrupo na isipin kunwari na sila ay mga magulang. Sabihin sa kanila na pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon na magkakasama nilang tatalakayin:

  1. Pag-uwi mo mula sa pamimili ng grocery kasama ang iyong mga anak, nakita mo ang iyong anim-na-taong-gulang na anak na babae na kumakain ng kendi na kinuha niya mula sa tindahan.

  2. Madalas asarin ng iyong 14-na-taong-gulang na anak na lalaki ang kanyang 9-na-taong-gulang na kapatid. Karaniwang nangyayari ito kapag wala ka. Ang anak na inaasar ay nagsusumbong sa iyo na umiiyak at sinasabi na may sinabi na namang hindi maganda sa kanya ang kanyang kuya.

  3. Hinihintay mong umuwi ang iyong 17-taong-gulang na anak na babae mula sa pamamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan. Nang makauwi siya, lampas na ito sa kanyang curfew.

Sabihin sa iyong grupo na talakayin ang mga sumusunod na tanong na nauugnay sa sitwasyong pinili nila:

  • Paano kayo matutulungan ng natutuhan ninyo mula sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda sa pagdidisiplina sa inyong anak? (Kung kinakailangan, anyayahan ang mga kagrupo mo na mabilis na rebyuhin ang bahagi 2.)

  • Ano kaya ang sasabihin ninyo sa anak ninyo? Ano kayang pagdidisiplina ang gagawin ninyo sa inyong anak?

  • Paanong ang wastong pagdidisiplina sa isang anak ay pagpapakita ng pagmamahal? (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 95:1.)

Pagdidisiplina ng mga Anak Ayon sa Pamamaraan ng Panginoon

handout ng titser

Pagkatapos magawa ng mga estudyante ang aktibidad, anyayahan ang ilan na ibahagi ang tinalakay nila sa kanilang grupo. Bilang bahagi ng talakayan, bigyang-diin ang sumusunod na katotohanan: Para masunod ang huwaran sa pagdidisiplina, dapat pagmamahal ang naghihikayat sa atin (tingnan ang pahayag ni Elder D. Todd Christofferson sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda).

Kung kinakailangan, itanong sa klase kung paano maaaring naiiba ang paraan ng Panginoon sa pagdidisiplina sa mga paraan ng pagdididiplina sa mga anak na tanggap sa ilang kultura o pamilya.

  • Kailan kayo nakakita ng isang taong nagdisiplina sa isang bata nang may pagmamahal? Ano ang natutuhan ninyo sa karanasang iyon?

Pagpapahusay ng Pagtuturo at Pag-aaral

Hikayatin ang mga estudyante na magnilay. Ang ibig sabihin ng pagninilay ay pag-iisip nang malalim. Madalas na nakatutulong dito ang panalangin. Kapag natututo ang mga estudyante na magnilay, madalas na maghahayag ng katotohanan ang Espiritu sa kanila at tutulungan silang malaman kung ano ang mismong kailangan nila na matutuhan o madama.

Ipakita ang mga sumusunod na instruksyon at tanong, at bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na pagnilayan ang mga ito (maaari din nilang isulat ang ilan sa kanilang mga naisip):

  • Isipin ang mga pagkakataon na itinuwid ka ng Panginoon o ipinahiwatig sa iyo ng Espiritu Santo na magbago sa ilang paraan. Ano ang matututuhan mo tungkol sa pagdidisiplina mula sa mga karanasang iyon? Kailan mo naaalala na ipinadama ng Ama sa Langit ang Kanyang pagmamahal sa iyo sa panahong kailangan mo ito?

Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga naisip.

Dapat turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mahalin at paglingkuran ang isa’t isa.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 4:14–15.

  • Anong mga sagradong tungkulin ng mga magulang ang binigyang-diin ni Haring Benjamin? (Matapos sumagot ang mga estudyante, ipakita ang sumusunod na pahayag mula sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak: Ang mga magulang ay may banal na tungkuling turuan ang kanilang mga anak na magmahalan at maglingkod sa isa’t isa.)

  • Paano kayo tinuruan ng inyong mga magulang na mahalin at paglingkuran ang inyong mga kapatid o iba pang mga miyembro ng pamilya?

Ipaalala sa mga estudyante na inanyayahan silang mag-isip ng isang pagkakataon na naglingkod nang may pagmamahal ang Tagapagligtas sa isang tao at pagkatapos ay isulat kung paano nila mamahalin at paglilingkuran ang isang miyembro ng pamilya sa paraang ito o sa iba pang paraan na katulad ng kay Cristo (tingnan sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda). Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang isinulat nila. (Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong halimbawa.)

Ipakita ang mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyante na isulat ang kanilang mga saloobin na may kaugnayan sa tanong na sa palagay nila ay mas nauugnay sa kanila:

  • Paano mo tutularan ang halimbawa at susundin ang mga turo ng Ama sa Langit sa pagpapalaki sa pagmamahal ng mga anak mo sa kasalukuyan o ng magiging mga anak mo?

  • Ano ang isang paraan na mamahalin at paglilingkuran mo katulad ni Cristo ang isang kapatid, magulang, o isa pang miyembro ng pamilya sa linggong ito?

Maaari mong tapusin ang klase sa pag-anyaya sa isang estudyante na ibahagi ang kanyang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagmamahal sa mga miyembro ng ating pamilya o sa pagbabahagi ng sarili mong patotoo sa alituntuning ito ng ebanghelyo. Ipaalala sa mga estudyante na sa paanong paraan man sila pinalaki, maaari nilang piliing palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at turuan silang mahalin at paglingkuran ang isa’t isa.

Para sa Susunod

Maaari mong sabihin sa mga estudyante pagkatapos ng lesson o sa isang mensahe ang mga sumusunod na tanong na pag-iisipan sa paghahanda nila para sa susunod na lesson:

  • Anong mga espirituwal na karanasan ang natamo mo sa iyong paglaki sa tulong ng iyong mga magulang? Anong mga espirituwal na karanasan ang inaasam mong matamo ng iyong mga anak sa hinaharap?