Institute
Lesson 2 Materyal ng Titser: Ang Tungkulin ng mga Propeta sa Pagpapahayag ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya


“Lesson 2 Materyal ng Titser: Ang Tungkulin ng mga Propeta sa Pagpapahayag ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 2 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Lesson 2 Materyal ng Titser

Ang Tungkulin ng mga Propeta sa Pagpapahayag ng Doktrina tungkol sa Walang Hanggang Pamilya

Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay nagsimula sa ganito: “Kami, ang Unang Panguluhan at ang Kapulungan ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay taimtim na nagpapahayag …” (ChurchofJesusChrist.org). Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang sagradong responsibilidad ng mga propeta bilang mga bantay na ipahayag ang kalooban ng Panginoon at magbabala sa mga banta sa ating espirituwal na kapakanan. Ang mga estudyante ay magkakaroon ng pagkakataong malaman kung paano sila lalo pang magtitiis at mananampalataya sa Panginoon habang sinisikap nilang pakinggan ang mga turo ng Kanyang mga buhay na propeta tungkol sa kasal at pamilya.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Panginoon ay tumatawag ng mga propeta upang gumanap bilang mga bantay sa tore.

Idispley ang sumusunod na tanong bago magklase:

  • Bakit pipiliin ng mga propeta na talakayin ang mahihirap na paksa at magsalita laban sa mga gawaing tinanggap ng lipunan, gayong batid nila na magagalit ang ilang tao sa mga sasabihin nila?

Simulan ang klase sa pagtatanong sa mga estudyante kung ano ang mga naisip nila tungkol sa tanong. Bilang bahagi ng inyong talakayan, maaari mong basahin sa mga estudyante ang pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson mula sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.

  • Paano ninyo ibubuod ang itinuro ni Pangulong Nelson? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagtawag ng mga propeta upang balaan at protektahan tayo. Ipinapakita ng mga propeta na nagmamalasakit sila sa lahat ng tao sa pamamagitan ng pagtuturo ng katotohanan.)

  • Paano ninyo nadama ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga babala, pagwawasto, at payo ng mga buhay na propeta? (Maaari mo ring ibahagi ang iyong patotoo tungkol dito.)

Idispley ang isa sa mga larawan ng isang bantay na matatagpuan sa materyal sa paghahanda, at bigyan ng oras ang mga estudyante na rebyuhin ang Ezekiel 3:17–19.

  • Paano natutulad ang mga propeta sa mga bantay sa tore?

Maaari mong itaas ang isang kopya ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak at itanong:

Iniutos sa atin ng Panginoon na sundin ang mga propeta nang may pagtitiis at pananampalataya.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ilista ang ilang dahilan kung bakit pinili ng mga tao noong unang panahon na huwag tumugon sa babala ng isang bantay.

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon (o gumawa ng isa na mas nauugnay sa iyong mga estudyante) at sabihin sa mga estudyante na sagutin ang kasunod na mga tanong:

Itinuro kay Jorge ang doktrinang nakapaloob sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak mula pa noong bata pa siya. Ngunit naniniwala ang malalapit niyang pinsan at ilan sa kanyang mga kaibigan na ang mga turo ay nagpapakita ng kakitiran ng pag-iisip at hindi nagtutulot sa ilang uri ng pamumuhay. Ang ilan sa sinabi nila ay tila makatwiran kay Jorge. Naisip niya kung hindi na ba napapanahon ang paghahayag.

  • Ano ang mga naisip mo tungkol sa sitwasyon ni Jorge?

  • Anong mga impluwensya ang maaaring maging dahilan upang mahirapan ang mga tao na tanggapin ang ilan sa mga turo sa pagpapahayag tungkol sa mag-anak?

Ipabasa o iparebyu sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 21:4–6. Ipaalala sa kanila na ang mga talatang ito ay tumutukoy kay Propetang Joseph Smith at, maaari ding ipatungkol sa kasalukuyang Pangulo ng Simbahan ng Panginoon.

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng tanggapin ang mga salita ng propeta “nang buong pagtitiis at pananampalataya” (talata 5)?

  • Paano ninyo ibubuod ang mga pangako ng Panginoon sa mga tumatanggap at sumusunod sa mga salita ng Kanyang propeta nang may pagtitiis at pananampalataya? (Maaari mong tulungan ang mga estudyante na matukoy ang alituntuning tulad ng sumusunod: Kung pakikinggan natin ang mga salita ng propeta, pagpapalain tayo ng Panginoon at itataboy Niya ang mga kapangyarihan ng kadiliman.)

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Tulungan ang mga estudyante na maranasan ang pagkatuto nang mas malalim. Habang nagtuturo ka, magtuon sa dapat maranasan at gawin ng mga estudyante upang maanyayahan ang personal na paghahayag at mapalalim ang pagbabalik-loob. Paano mo sila matutulungan na mapalawak pa ang alam na nila? Paano mo sila matutulungan na maging mga aktibong mag-aaral at makapag-ambag sa kaalaman ng iba? Paano mo sila mabibigyan ng mga pagkakataong makilala ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo?

Upang matulungan ang mga estudyante na makaisip ng mga halimbawa ng alituntuning ito, bigyan sila ng ilang minuto para basahin o rebyuhin ang salaysay sa banal na kasulatan na pinili nila mula sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda. Maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo at sabihin sa mga estudyante na talakayin ang kanilang mga sagot sa mga tanong sa aktibidad na “Isulat ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3. Kung hindi ito ang gagawin, sabihin sa mga estudyante na talakayin sa klase ang kanilang mga sagot.

Maaari mo ring sabihin sa mga grupo na pag-usapan ang lahat o ang ilan sa mga sumusunod na tanong (o maaari ninyong talakayin ang mga ito bilang isang klase):

  • Sa sarili mong buhay, ano ang nakatulong sa iyo na sundin ang mga propeta ng Panginoon nang may pagtitiis at pananampalataya? Ano ang nalalaman mo tungkol sa Panginoon na makatutulong sa iyo na tumugon sa ganitong paraan sa mga salita ng Kanyang mga propeta?

  • Kailan mo nadama na pinagpala ka o naitaboy ang kadiliman dahil sa iyong pagtitiis at pananampalataya sa pagsunod sa mga salita ng mga propeta?

  • Anong mga payo ang ibinigay ng Panginoon kamakailan sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta na maaaring mangailangan ng kaunting pagtitiis at pananampalataya upang matanggap at masunod?

Idispley ang mga sumusunod na tanong, at maglaan ng sapat na oras upang mapag-isipan ng mga estudyante ang mga tanong na pinakaangkop sa kanila. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang anumang impresyon na matatanggap nila at sundin ito.

  • Kung may itinuro ang propeta tungkol sa kasal o pamilya na mahirap para sa akin na tanggapin, ano ang gagawin ko? Ano ang nais ng Panginoon na gawin ko sa sitwasyong ito?

  • Gaano ako kasigasig at patuloy sa aking mga pagsisikap na sundin ang payo ng mga propeta ng Panginoon hinggil sa kasal at pamilya? Paano kaya ninanais ng Panginoon na umunlad ako?

Magpatotoo sa mga katotohanang itinuro sa lesson na ito. Sabihin sa mga estudyante na handa silang tulungan ng Panginoon habang sinisikap nilang sundin ang mga salita ng mga propeta nang buong pagtitiis at pananampalataya.

Para sa Susunod

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung napag-isipan na nila kung magiging sino sila balang-araw o kung ano ang dapat nilang gawin sa buhay na ito. Hikayatin ang mga estudyante na pag-aralan nang may panalangin ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson na isinasaisip ang mga ito.