“Lesson 13 Materyal ng Titser: Ang Banal na Kaloob at Sagradong Responsibilidad ng Seksuwal na Intimasiya,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)
“Lesson 13 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya
Lesson 13 Materyal ng Titser
Ang Banal na Kaloob at Sagradong Responsibilidad ng Seksuwal na Intimasiya
Ang seksuwal na intimasiyang namamagitan sa mag-asawa ay isang kaloob mula sa Diyos, na inorden na maging isang maganda at sagradong bahagi ng pag-aasawa. Sa lesson na ito, palalalimin ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa mga walang hanggang katotohanan na nauukol sa banal na kaloob na ito. Susuriin din ng mga estudyante ang mga limitasyon o hangganan na itinakda nila o kailangan nilang itakda upang matulungan silang ipamuhay ang batas ng kalinisang-puri.
Paalala: Dahil likas na maselan ang paksang ito, mangyaring ituro nang malinaw ang doktrina ngunit nang may sensitibidad at malasakit. Maaaring kailanganin mong iakma ang mga pamamaraan o sitwasyong ginamit sa pagtuturo para umakma sa inyong kultura.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang seksuwal na intimasiyang namamagitan sa mag-asawa ay nilayong maging maganda at sagrado.
Ipakita ang sumusunod na sitwasyon:
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga bahagi 1 at 2 ng materyal sa paghahanda, na inaalam ang mga katotohanan na makatutulong sa kanila na masagot ang sitwasyon mula sa pananaw ng ebanghelyo. Sabihin sa ilang estudyante na isulat sa pisara ang mga katotohanang nalaman nila. Maaaring kabilang sa mga posibleng katotohanan ang: Iniutos ng Diyos na ang seksuwal na intimasiya ay nararapat lang mamagitan sa isang lalaki at isang babae na ikinasal bilang mag-asawa ayon sa batas. Ang seksuwal na intimasiya sa pagsasama ng mag-asawa ay nilayong magpahayag ng pagmamahal, lumikha ng buhay, at patibayin ang ugnayan at pagkakaisa. Ang seksuwal na intimasiya ay simbolo ng lubos na katapatan at ganap na pagkakaisa ng mag-asawa. Ang ating pisikal na katawan ay mahalagang bahagi ng ating kaluluwa, at ang paraan ng paggamit natin nito ay nakaaapekto sa ating espiritu at sa ating walang hanggang pag-unlad.
Kukulangin kayo sa oras kapag tinalakay ninyo nang malalim ang lahat ng katotohanang ito, kaya’t magtuon sa mga katotohanang pinakainteresadong talakayin ng mga estudyante. Ang ilan sa mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong na mapalalim ang natututuhan ng mga estudyante:
-
Ayon sa Genesis 2:18, 21–24, ano ang nalaman nina Adan at Eva tungkol sa likas na pagmamahal ng mag-asawa? Paano mapagpapala ang mag-asawa kapag itinuring nila ang seksuwal na intimasiya bilang simbolo ng pagsasama ng “kanilang mga puso, inaasam, buhay, pag-ibig, pamilya, hinaharap, at lahat ng bagay”? (Jeffrey R. Holland, “Personal Purity,” Ensign, Nob. 1998, 76). (Maaari mong iparebyu sa mga estudyante ang pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Bilang bahagi ng talakayan, tulungan ang mga estudyante na maunawaan na kapag pinagyaman ng mag-asawa ang kanilang intelektuwal, emosyonal, at espirituwal na intimasiya, ang kanilang seksuwal na intimasiya ay magiging mas makabuluhan.)
-
Bakit mali na ituring ang seksuwal na intimasiya bilang isa lamang pisikal na karanasan na nilayong magbigay ng pisikal na kasiyahan? Paano makapipinsala sa damdamin at espirituwal ang seksuwal na intimasiya sa mga taong hindi pa kasal? (Maaaring makatulong na iparebyu sa mga estudyante ang pahayag ni Elder Holland sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda.)
-
Paano nakaiimpluwensya ang patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala at sa mga banal na layunin ng pisikal na katawan sa paraan ng pagturing natin sa seksuwal na intimasiya? (Maaari mong ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 1 Corinto 6:19–20 bago itanong ito.)
-
Paano nakakatulong ang pag-unawa sa mga katotohanang nakalista sa pisara na mapawi ang mga negatibong saloobin at kaisipang nakabatay sa takot tungkol sa seksuwal na intimasiya?
Sa tulong ng Panginoon mapaiigting natin ang ating personal na kadalisayan at masayang maipamumuhay ang batas ng kalinisang-puri.
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay may anak sila na 13-taong-gulang na lalaki o babae. Sa pakiramdam nila ay dapat nilang kausaping muli ang kanilang anak tungkol sa batas ng kalinisang-puri. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na ibahagi sa maliliit na grupo kung paano nila tuturuan o muling pagtitibayin ang batas ng kalinisang-puri sa kanilang 13-taong-gulang na anak. Paalalahanan ang mga estudyante na huwag gumamit ng wika o metapora na maaaring magparamdam ng kahihiyan, takot, o pagkalito. Matapos ang sapat na oras, itanong sa klase:
-
Paano kayo magtuturo sa paraang makatutulong sa isang kabataang tinedyer na magkaroon ng positibong damdamin tungkol sa banal na kaloob ng seksuwal na intimasiya at sa batas ng kalinisang-puri?
-
Ano ang ilang turo na natutuhan ninyo habang lumalaki kayo na nakatulong sa inyo na ituring ang seksuwal na intimasiya bilang isang bagay na maganda at nararapat na bahagi ng pag-aasawa?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 38:12. Hikayatin ang mga estudyante na maaari nilang markahan ang mga turo ni Alma na nagpapakita ng sumusunod na alituntunin: Kung pipigilin natin ang silakbo ng ating damdamin, mapupuspos tayo ng pagmamahal.
Ipakita ang sumusunod na heading at mga tanong. (Kung gusto mo, maaari kang mag-print ng mga kopya at ipamahagi ang mga ito.) Sabihin sa mga estudyante na bumalik sa dati pa rin nilang grupo at pumili ng dalawa o tatlong tanong na sa palagay nila ay nauugnay sa kanila at talakayin ang mga ito.
Para tapusin ang klase, sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano napalakas ng materyal sa paghahanda at talakayan sa klase ang kanilang pagkaunawa sa seksuwal na intimasiya at sa batas ng kalinisang-puri.
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang isinulat nila bilang tugon sa prompt na “Irekord ang Iyong mga Naisip” sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda at magdagdag ng anumang ideya na mayroon sila o mga impresyong natanggap nila. Maaari mo ring sabihin sa kanila na isipin kung paano ginawang posible ng Tagapagligtas na mapaglabanan natin ang tukso at kasalanang seksuwal at magkaroon ng mabubuting ugnayan.
Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa mga katotohanang itinuro ngayon, at hikayatin ang mga estudyante na humingi ng tulong sa Diyos habang pinagsisikapan nilang ipamuhay ang batas ng kalinisang-puri.
Para sa Susunod
Ipaliwanag sa mga estudyante na isa sa mga pinakamapanganib na banta sa ating personal na kadalisayan ay ang pornograpiya. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan nang mabuti ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson, at alamin kung paano nila maiiwasan at matutulungan ang iba na maiwasan ang panganib na ito.