Institute
Lesson 18 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan


“Lesson 18 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya (2022)

“Lesson 18 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang Hanggang Pamilya

Larawan
isang pamilya na masayang nagsasalu-salo sa pagkain

Lesson 18 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Paglalaan para sa Temporal na mga Pangangailangan

Ang Panginoon ay nagmamalasakit sa ating temporal, o pisikal, na kapakanan. Naghayag Siya ng mga katotohanan na makatutulong sa iyo na matustusan ang sarili mong mga pangangailangan at ang pisikal na mga pangangailangan ng iyong pamilya sa mga paraang tutulong din sa iyo na umunlad sa espirituwal. Habang pinag-aaralan mo ang materyal na ito, isipin kung paano mo mas maipamumuhay ang mga katotohanang ito.

Bahagi 1

Ano ang responsibilidad ko sa paglalaan ng temporal na mga pangangailangan ng aking pamilya?

Hindi nagtagal matapos ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo, inihayag ng Panginoon ang ilang temporal na responsibilidad ng mga miyembro ng Simbahan.

Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 75:28–29; 83:4, at isipin kung paano naaangkop sa iyo ang payo ng Panginoon.

Sa pamamagitan ng mga propeta sa mga Huling Araw, muling pinagtibay ng Panginoon na “ang mga magulang ay may banal na tungkuling palakihin ang kanilang mga anak sa pagmamahal at kabutihan [at] maglaan para sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” simbahannijesucristo.org).

Upang magampanan ang tungkuling ito na maglaan para sa pisikal na mga pangangailangan ng kanilang mga anak, kailangang matutuhan ng mga magulang na maging self-reliant. Ang self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan ay isang mahalagang alituntunin ng ebanghelyo. Ito ay “ang abilidad, tapat na pangako, at pagsisikap na tustusan ang [pangangailangan sa buhay para sa sarili at pamilya” (Pagtulong Ayon sa Paraan ng Panginoon: Buod ng Gabay ng Lider sa Gawaing Pangkawanggawa [2009], 1).

Larawan
isang young adult na naghahanda ng pagkain sa isang restaurant

Itinuro ni Elder Robert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod tungkol sa self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan:

Larawan
Elder Robert D. Hales

Ang pag-asa sa sarili[ng] [kakayahan] ay pag-angkin ng responsibilidad sa sarili nating espirituwal at temporal na kapakanan at sa mga yaong ipinagkatiwala ng Ama sa Langit sa ating pangangalaga. Sa pag-asa sa sarili lang natin tunay na matutularan ang Tagapagligtas sa paglilingkod at pagpapala sa iba.

Mahalagang unawain na ang pag-asa sa sarili ay isang paraan para makamit ang isang mithiin. Ang pinakamimithi natin ay maging katulad ng Tagapagligtas, at ang mithiing iyan ay pinag-iibayo ng ating di-makasariling paglilingkod sa iba. Ang kakayahan nating maglingkod ay nadaragdagan o nababawasan sa antas ng ating pag-asa sa sarili. (“Isang Pananaw ng Ebanghelyo sa Pagkakawanggawa: Pagkilos ayon sa Pananampalataya,” sa Mga Pangunahing Tuntunin sa Pagkakawanggawa at Pag-asa sa Sarili [pandaigdigang pagsasanay sa pamumuno, 2009], 2; tingnan din sa simbahannijesucristo.org)

Isipin ang kahalagahan ng sumusunod na tagubilin tungkol sa self-reliance:

Kapag may tiwala kayo sa sariling kakayahan, ginagamit ninyo ang mga pagpapala at kakayahang ibinigay sa inyo ng Diyos para alagaan ang inyong sarili at ang inyong pamilya at makahanap ng solusyon sa sarili ninyong mga problema. Ang pag-asa sa sarili ay hindi nangangahulugan na dapat ninyong kayanin ang lahat ng bagay nang mag-isa. Upang tunay na makaasa sa sariling kakayahan, dapat kayong matutong magtrabaho na kasama ang iba at humingi ng tulong at lakas sa Panginoon. (Para sa Lakas ng mga Kabataan [buklet, 2011], 41)

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball, “Walang tunay na Banal sa mga Huling Araw, na may kakayahang pisikal o emosyonal, na kusang ipapaako sa iba ang kapakanan niya o ng kanyang pamilya” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W.Kimball [2006], 140; tingnan din sa 1 Timoteo 5:8). Dapat mong malaman na tutulungan ka ng Panginoon sa iyong mga pagsisikap na maging self-reliant. Itinuro ni Jesucristo na “sa pamamagitan ng [Kanyang] kalinga,” ang Simbahan ay “maka[ta]tayong malaya” o mag-isa kapwa sa temporal at espirituwal (Doktrina at mga Tipan 78:14). Gayon din naman, ang Tagapagligtas “sa pamamagitan ng Kanyang kalinga” ay matutulungan ka na maging self-reliant at makapaglaan para sa iyong sarili at iyong pamilya.

Larawan
icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Ano ang mga naiisip o nadarama mo tungkol sa responsibilidad na maglaan para sa temporal na mga pangangailangan ng iyong pamilya?

Bahagi 2

Ano ang makatutulong sa akin na maging self-reliant at mas masipag na tagapaglaan?

Ang masigasig na pagtatrabaho ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-reliance at paglalaan para sa ating pamilya. Simula kay Adan, iniutos ng ating Ama sa Langit sa Kanyang mga anak na magtrabaho (tingnan sa Moises 4:25, 29; 2 Tesalonica 3:10–13). Ang kasipagan at pagiging masigasig ay mga katangian ng Diyos at ng mga taong nagsisikap na tularan Siya (tingnan sa 2 Nephi 5:17; Mosias 27:3–4).

Larawan
isang young adult na nagtatrabaho sa pagawaan ng gatas

Binigyang-diin ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng kasipagan nang ituro niya:

Larawan
Elder D. Todd Christofferson

Ipinlano ng Diyos ang mortal na buhay na ito na nangangailangan ng patuloy na paggawa. … Sa pamamagitan ng paggawa natutustusan natin at napagiginhawa ang buhay. Dahil dito nakakayanan natin ang mga kabiguan at trahedya ng mortal na buhay na ito. Ang natamong tagumpay dahil sa pagsisikap ay nagdudulot ng pagpapahalaga sa sarili. Ang paggawa ay nagpapalakas at nagdadalisay ng pagkatao, lumilikha ng kagandahan, at ang kasangkapan sa ating paglilingkod sa isa’t isa at sa Diyos. Ang buhay na inilaan ay puno ng paggawa, minsan paulit-ulit, minsan maliit, minsan hindi napahahalagahan ngunit palaging gawin ang yaong nagpapaunlad, nagdudulot ng kaayusan, nagtataguyod, nagpapasigla, nakatutulong, nagpapabuti. (“Larawan ng Isang Buhay na Inilaan,” Liahona, Nob. 2010, 17)

Bilang karagdagan sa responsibilidad ng mga magulang na “maglaan para sa pisikal at espirituwal na mga pangangailangan [ng kanilang mga anak],” “sa plano ng Diyos, ang mga ama … ang may tungkuling maglaan ng mga pangangailangan sa buhay … ng kanilang mga mag-anak” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”). Hinikayat ni Elder Christofferson ang mga naghahandang maging ama nang sabihin niya:

Larawan
Elder D. Todd Christofferson

Maghanda na kayo ngayon sa pamamagitan ng masigasig na pag-aaral at pagpaplano para sa kolehiyo. Ang pag-aaral, sa unibersidad man, sa technical school, sa apprenticeship, o sa kahalintulad na programa, ay mahalaga upang magtamo kayo ng mga kasanayan at kakayahang kakailanganin ninyo. (“Mga Ama,” Liahona, Mayo 2016, 96)

Larawan
isang young adult na nagtatrabaho

Ang payo na mag-aral ay mahalaga para sa lahat ng disipulo ni Jesucristo. Itinuro sa atin ng Panginoon na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118; tingnan din sa 90:15). Tungkol sa responsibilidad na ito, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Larawan
Pangulong Russell M. Nelson

Dahil sa mataas na pagpapahalaga natin sa katalinuhan ng tao, itinuturing natin ang pagtatamo ng edukasyon na isang sagradong tungkulin. … Inaasahan ng ating Tagapaglikha na mag-aaral ang lahat ng Kanyang mga anak saanman sila naroon. (“Where Is Wisdom?,” Ensign, Nob. 1992, 6)

Isipin ang iba pang posibleng mga pagpapala ng edukasyon na hindi lamang nakatulong sa atin na mas matustusan ang mga pangangailangang pinansyal ng ating pamilya. Ang pagtatamo ng edukasyon ay makapagdudulot ng tagumpay sa sarili at makatutulong sa atin na maisagawa ang inaasahan ng Panginoon na pagtataglay at paggamit ng mga kaloob at kakayahang ibinigay Niya sa atin (tingnan sa Mateo 25:14–30). Ang pagtatamo ng edukasyon ay magpapahusay sa ating kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay. Pinaghuhusay rin ng edukasyon ang kakayahan nating maglingkod sa iba at itayo ang kaharian ng Panginoon.

Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson:

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

Madaragdagan ang inyong mga talento habang nag-aaral kayo at natututo. Mas matutulungan ninyo ang inyong mga pamilya na matuto, at mapapanatag ang inyong isipan na malaman na naihanda ninyo ang inyong sarili para sa mga maaaring mangyari sa inyong buhay. (“Tatlong Mithiin na Gagabay sa Inyo,” Liahona, Nob. 2007, 119)

Larawan
mga young adult na magkasamang tinatapos ang gawain sa paaralan

Sa ilang pagkakataon, dahil sa kamatayan o diborsyo o iba pang mga kalagayan, ang ina ang dapat maglaan para sa pamilya (tingnan sa talata 7 ng pagpapahayag tungkol sa mag-anak). Sa ibang mga sitwasyon, kailangang parehong magtrabaho ang mga magulang para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Si Pangulong M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagbigay ng mahalagang paalala at makatutulong na payo sa paggawa ng mga desisyon hinggil sa pagtatrabaho ng parehong magulang:

Larawan
Pangulong M. Russell Ballard

Matindi ngayon ang pag-uudyok ng ating materyalistikong daigdig na magkaroon at gumasta ng mas maraming pera. Sa kasawiang-palad, itinutulak nito ang mga ina na magtatrabaho sa labas ng tahanan para madagdagan ang kita. Kapag nalaman ng mga mag-asawa at mga anak ang kaibhan ng mga pangunahing pangangailangan at ng gusto lamang, binabawasan nila ang mga gastusin at tumutulong para manatili na lang sa bahay ang mga ina. Mahirap desisyunan ang pagtatrabaho sa labas ng bahay at kailangan itong ipagdasal, na laging nasa isip ang payo ng mga buhay na propeta sa kumplikadong isyung ito. (“Ang mga Sagradong Responsibilidad ng Pagiging Magulang,” Liahona, Mar. 2006, 15; tingnan din sa Alma 37:37)

Larawan
icon, pagnilayan

Magnilay-nilay upang Makapaghanda para sa Klase

Paano ka tinulungan ng Panginoon, o paano Ka Niya matutulungan, na maging masigasig sa trabaho o mag-aral pa?

Bahagi 3

Anong mga alituntunin sa pananalapi ang gagabay sa akin sa paglalaan para sa aking pamilya?

Ang mundo ay pag-aari ng Panginoon (tingnan sa Mga Awit 24:1). Binigyan Niya tayo ng lakas at paraan para magamit ang resources ng mundo upang makapaglaan sa ating temporal at espirituwal na mga pangangailangan (tingnan sa Deuteronomio 8:10, 18; Doktrina at mga Tipan 59:18–20). Sa Panginoon, lahat ng bagay ay espirituwal, maging ang Kanyang temporal na mga batas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:34). Alam Niya ang mga pagpapala at espirituwal na panganib na may kaugnayan sa paghahangad at pagtatamo ng pera at mga ari-arian. Naghayag Siya ng mga alituntunin na tutulong sa atin na pangasiwaan ang resources na ito sa mga paraang mapagpapala at mapoprotektahan tayo bilang mga indibiduwal at pamilya.

Larawan
isang young adult na nakaupo sa tabi ng desk
Larawan
icon, pag-aralan

Mag-aral upang Makapaghanda para sa Klase

Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga scripture passage, o maghanap ng sarili mong dalawang scripture passage, at tukuyin ang mga alituntunin ng matalinong pangangasiwa sa pananalapi na itinuro ng mga ito. Dumating sa klase na handang talakayin ang nalaman mo.

Larawan
icon, isulat

Isulat ang Iyong mga Naisip

Isulat ang ilan sa mahusay na pagpiling ginawa mo sa paglalaan para sa iyong temporal na mga pangangailangan, gayundin ang ilan sa mga paraan na sa palagay mo ay mas mapagbubuti mo sa iyong mga pagsisikap na tustusan ang iyong temporal na mga pangangailangan.