“Lesson 7 Materyal ng Titser: Ang Walang-Hanggang Likas na Katangian at Layunin ng Kasarian,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya (2022)
“Lesson 7 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Ang Walang-Hanggang Pamilya
Lesson 7 Materyal ng Titser
Ang Walang-Hanggang Likas na Katangian at Layunin ng Kasarian
Ang ating kasarian ay itinatag sa ating premortal na buhay at mahalaga sa pagsasakatuparan ng plano ng ating Ama sa Langit para sa ating kaligtasan at kadakilaan ng mga pamilya. Sa lesson na ito, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong ipaliwanag kung paano tayo tinutulungan ng plano ng Diyos na maunawaan ang walang-hanggang kahalagahan ng ating kasarian. Ang lesson na ito ay gagabay rin sa mga estudyante na maaaring may mga tanong na nauugnay sa kasarian.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao.
Paalala: Maaari mong sabihin sa mga estudyante na sensitibo ang paksang ito at ang iba pang mga paksa sa kursong ito at ipaalala sa mga estudyante na makibahagi sa mga talakayan sa klase nang may pagmamahal, pagmamalasakit, at pang-unawa na tulad ng kay Cristo. Maging maingat na huwag gamitin ang doktrina sa paraang nagpaparatang at nagkukondena. Sa halip, tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas habang nagtuturo ka sa paraang naghahatid ng pang-unawa, pag-asa, at paggaling.
Sabihin sa mga estudyante na isipin kunwari na isa silang titser sa Sunday School para sa klase ng mga kabataan na edad 14 na may ilang tanong tungkol sa kasarian. Itinanong ng isang estudyante, “Bakit mahalaga ang kasarian?”
Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang bahagi 1 ng materyal sa paghahanda nang may kapartner o sa maliliit na grupo at pag-isipan kung paano nila sasagutin ang tanong na ito batay sa mga turo ng Simbahan. Pagkatapos magtalakayan, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung ano ang isasagot nila.
Kapag nakapagbahagi na ng mga sagot ang mga estudyante, maaari ninyong sabay-sabay na rebyuhin ang Genesis 1:26–27, ang talata mula sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (SimbahanniJesucristo.org), at ang pangalawang pahayag ni Elder David A. Bednar na matatagpuan sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda. Pagkatapos ay maaari mong tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan. Sa banal na plano, ang kalalakihan at kababaihan ay nilayong punuan, kumpletuhin, at gawing perpekto ang isa’t isa. (Ipaalala sa mga estudyante na “ang nilayong kahulugan ng kasarian sa pahayag tungkol sa pamilya ay biological na kasarian noong isinilang” [Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jescristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 38.6.23]. Ang kahulugan din na ito ng kasarian ang ginamit sa buong materyal na ito ng titser maliban kung iba ang nakasaad.)
Maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na tanong o aktibidad upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pang-unawa sa mga katotohanang natukoy nila:
-
Paano makatutulong sa inyo ang plano ng kaligtasan para maunawaan ninyo na “ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan”? (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”).
-
Sa paanong paraan kinukumpleto at ginagawang perpekto ng mga espiritung lalaki at babae ang isa’t isa? (Tingnan ang mga pahayag ni Elder David A. Bednar at nina Elder Dale G. at Sister Ruth L. Renlund sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.) Anong mga halimbawa ang nakita ninyo tungkol sa magkakatugmang kakayahan ng kalalakihan at kababaihan sa pagsasakatuparan ng plano ng ating Ama sa Langit?
-
Sabihin sa mga estudyante na maglista ng ilang tradisyonal o kultural na pananaw na ipinatutungkol sa kalalakihan o kababaihan. Alin sa mga ito ang maaaring hindi nauugnay sa ating walang hanggang pagkakakilanlan at layunin sa plano ng Diyos? Anong mga elemento ng ating kasarian bilang lalaki o babae ang mahalaga sa ating walang hanggang pagkakakilanlan at layunin?
Maaari mong ibahagi kung paano napagpala ang iyong buhay sa pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw tungkol sa kasarian at kung paano nakaapekto ang pananaw na iyon sa iyong identidad at layunin.
Magagabayan at matutulungan ng Panginoon ang mga taong nakadarama na hindi tugma ang kanilang biological na kasarian at ang kinikilalang kasarian [gender identity] o may iba pang mga tanong na may kaugnayan sa kasarian.
Ipaalala sa mga estudyante na ang bahagi 2 at 3 ng materyal sa paghahanda ay tumatalakay sa mga kalagayan kung saan nadarama ng mga indibiduwal na hindi tugma ang kanilang biological na kasarian at ang kanilang kinikilalang kasarian [gender identity], itinuturing ang sarili na transgender, o maaaring may iba pang mga tanong na nauugnay sa kasarian.
-
Anong mga partikular na turo mula sa bahagi 2 at 3 ng materyal sa paghahanda ang lubos na makabuluhan sa inyo? (Kung kinakailangan, bigyan ang mga estudyante ng oras na marebyu ang bahagi 2 at 3 ng materyal sa paghahanda.)
-
Paano tayo magiging mas maunawain at sensitibo kapag tinatalakay natin ang kasarian sa iba at kapag isinasaalang-alang ang mga kumplikadong sitwasyon ng iba na maaaring kilala o makikilala ko?
Bilang isang paraan para matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga alituntuning itinuro sa lesson na ito, maaari mong ipabasa at ipatalakay ang sumusunod na sitwasyon sa buong klase (iakma ang sitwasyon para lubos na makatugon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante):
Maaari ka ring magtanong ng tulad ng mga sumusunod para matulungan ang mga estudyante na matalakay ang sitwasyon:
-
Kung humingi sa inyo ng tulong si Alexandra, ano ang ipapayo ninyo na gawin niya upang mas malinaw na maunawaan ang kanyang walang hanggang pagkakakilanlan at layunin?
-
Ano ang maaari ninyong ibahagi kay Alexandra tungkol sa kung paano nakatulong sa inyo ang plano ng Diyos na maunawaan ang inyong walang hanggang pagkakakilanlan at layunin bilang isang lalaki o babae?
-
Paano magiging lakas si Alexandra sa Simbahan ng Panginoon?
Maaaring makatulong na tapusin ang inyong talakayan tungkol kay Alexandra sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na ang mga taong may mga tanong tungkol sa kanilang kasarian o nakadarama na hindi tugma ang kanyang biological na kasarian at ang kanyang kinikilalang kasarian [gender identity] ay makatatamasa ng lahat ng pagpapala ng kawalang-hanggan at pagiging miyembro sa Simbahan ng Tagapagligtas kung tutuparin nila ang kanilang mga tipan at hindi magpapalit ng kasarian. Maaari mong rebyuhin sa mga estudyante ang babala ni Pangulong Oaks sa bahagi 3 tungkol sa hayagang pagtawag sa ating sarili sa mga paraang maaaring maglimita sa kakayahan nating makamit ang ating mga walang-hanggang mithiin.
Para tapusin ang lesson na ito, sabihin sa mga estudyante na isulat kung ano ang gagawin nila para maipakita ang pagmamahal, pagkahabag, at pagiging kaibigan sa sinumang nakadarama na hindi tugma ang kanilang biological na kasarian at ang kanilang kinikilalang kasarian [gender identity], na itinuturing bilang transgender, o may iba pang mga tanong na may kaugnayan sa kasarian.
Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo na bagama’t maaaring hindi natin nauunawaan ang lahat ng bagay tungkol sa nadaramang hindi tugma ang biological na kasarian at ang nakikilang kasarian [gender identity] o iba pang mga paksang may kaugnayan sa kasarian, nauunawaan ng Tagapagligtas ang lahat ng ito. Magagabayan at masusuportahan Niya ang mga humihingi ng tulong sa Kanya.
Para sa Susunod
Hikayatin ang mga estudyante na basahin at pag-isipang mabuti ang materyal sa paghahanda sa susunod na lesson tungkol sa pagkaakit sa kaparehong kasarian. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng mga paraan na mas maunawaan ang pagkaakit sa kaparehong kasarian at pag-isipan kung paano nila ito maaaring talakayin nang may paggalang at pag-unawa.