2010
Chile
Pebrero 2010


Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig

Chile

Noong Mayo 1955 natanggap ng Argentine Mission ang pahintulot ng Unang Panguluhan na magpadala ng mga misyonero sa Chile. Nang sumunod na taon nagdatingan ang mga elder sa kabisera, ang Santiago. Sinamahan sila ni Elder Henry D. Moyle (1889–1963) ng Korum ng Labindalawang Apostol noong Hulyo 1956 para itatag ang unang branch sa Chile. Makaraan lang ang ilang buwan, nabinyagan ang unang grupo ng mga taga Chile.

Sa pagdami ng mga miyembro ay lumaki rin ang organisasyon ng Simbahan. Noong Oktubre 1961 binuo ang Chilean Mission, at noong 1983, nabiyayaan ang mga taga Chile ng sariling templo, na inilaan sa Santiago ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008). Kasunod ng malawakang renobasyon ng templo, inilaan itong muli ni Pangulong Hinckley noong 2006.

Narito ang ilang impormasyon tungkol sa Simbahan sa Chile ngayon:

Bilang ng mga Miyembro

548,628

Mga Mission

9

Mga Stake

75

Mga District

24

Mga Ward at Branch

612

Mga Templo

1

Ang lupain ng Santiago, kabiserang lungsod ng Chile.

Noong 1956 nagtatag si Elder Henry D. Moyle ng Korum ng Labindalawang Apostol ng unang branch sa Chile.

Ang silid-selestiyal sa Santiago Chile Temple.