2012
Mga Turo para sa Ating Panahon
Mayo 2012


Mga Turo para sa Ating Panahon

Ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing ikaapat na Linggo ay ilalaan sa “Mga Turo para sa Ating Panahon.” Bawat aralin ay maihahanda mula sa isa o mahigit pang mensaheng ibinigay sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya (tingnan sa chart sa ibaba). Ang mga stake at district president ay maaaring pumili ng mensaheng dapat gamitin, o maiaatas nila ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president. Dapat bigyang-diin ng mga lider na mahalagang magkapareho ang mga mensaheng pag-aaralan ng mga kapatid sa Melchizedek Priesthood at Relief Society sa magkakaparehong Linggo.

Yaong mga dumadalo sa mga aralin sa ikaapat na Linggo ay hinihikayat na pag-aralan at dalhin sa klase ang isyu ng magasin sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya.

Mga Mungkahi para sa Paghahanda ng Isang Aralin mula sa mga Mensahe

Ipanalanging mapasainyo ang Banal na Espiritu sa pag-aaral at pagtuturo ninyo ng (mga) mensahe. Maaari kayong matuksong gumamit ng ibang mga materyal sa paghahanda ng aralin, ngunit mga mensahe sa kumperensya ang inaprubahang kurikulum. Ang tungkulin ninyo ay tulungan ang iba na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ayon sa turo sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya ng Simbahan.

Repasuhin ang (mga) mensahe, na hinahanap ang mga alituntunin at doktrinang tutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase. Humanap din ng mga kuwento, reperensya sa mga banal na kasulatan, at pahayag mula sa (mga) mensahe na makakatulong sa inyo na maituro ang mga katotohanang ito.

Gumawa ng outline kung paano ituturo ang mga alituntunin at doktrina. Ang outline ninyo ay dapat kabilangan ng mga tanong na nakakatulong sa mga miyembro ng klase:

  • Humanap ng mga alituntunin at doktrina sa (mga) mensahe.

  • Pag-isipan ang kahulugan ng mga ito.

  • Magbahagi ng pag-unawa, mga ideya, karanasan, at patotoo.

  • Iangkop ang mga alituntunin at doktrinang ito sa buhay nila.

Mga Buwan na Itinuturo ang mga Aralin

Mga Materyal sa Aralin para sa Ikaapat ng Linggo

Abril 2012–Oktubre 2012

Mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2012*

Oktubre 2012–Abril 2013

Mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2012*

  • Para sa mga aralin sa Abril at Oktubre, maaaring piliin ang (mga) mensahe mula sa nakaraang kumperensya o sa pinakahuling kumperensya. Ang mga mensahe ay makukuha sa maraming wika sa conference.lds.org.