Mga Bata
Pagsunod sa Halimbawa ng mga Pioneer
Nagbahagi si Pangulong Uchtdorf ng ilang paraan na nagpakita ng pagmamahal sa Ama sa Langit ang mga pioneer. Maaari ninyong sundan ang kanilang halimbawa. Narito ang ilang ideya para makapagsimula kayo:
Habag
Sumulat ng magiliw na liham o maghanda ng pagkain para sa isang taong nalulungkot.
Tulungan ang isang kaklase sa kanyang homework.
Trabaho
Magtakda ng mithiin. Gumawa ng isang bagay araw-araw sa buwang ito para matulungan kang marating ang iyong mithiin.
Tulungan ang inyong mga magulang na maghanda ng hapunan.
Magandang pananaw
Maglista ng 10 masasayang bagay sa iyong buhay.
Ngitian ang lahat ng taong makita mo.