2015
Ano ang Ginagawa Natin sa Templo?
Hulyo 2015


Ano ang Ginagawa Natin sa Templo?

Ang templo ang bahay ng Panginoon. Pagpasok natin, nadarama nating malapit tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Madarama natin ang Espiritu Santo. Sa templo nakikibahagi tayo sa mga sagradong ordenansa, gaya ng binyag. Gumagawa din tayo ng espesyal na mga pangako, o mga tipan, sa Ama sa Langit. Mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga namatay na tanggapin ang ebanghelyo. Magiging napakaespesyal na araw ang unang pagpasok mo!

Pagtuntong mo ng 12 anyos, maaari kang makipagkita sa iyong bishop para kumuha ng sarili mong temple recommend. Pagkatapos ay makakapasok ka na sa templo para magsagawa ng mga binyag.

Bautismuhan

Pagtuntong mo ng 12 anyos, maaari kang binyagan para sa mga taong namatay nang hindi nabinyagan. Ang bautismuhan ay nakapatong sa mga baka na sumasagisag sa labindalawang lipi ni Israel.

Ordinance Room

Sa ganitong mga silid, natututo tayo tungkol sa plano ng Ama sa Langit para sa atin, at nakikipagtipan tayo na magtutulot sa atin na muli Siyang makapiling. Natututo rin tayo tungkol sa Paglikha ng mundo, tungkol kina Eva at Adan, at tungkol kay Jesucristo. Natututo rin tayo tungkol sa mga pagpapalang matatanggap natin sa kabilang-buhay kung tayo ay tapat.

Celestial Room

Maganda ang celestial room! Ipinapaalala nito sa atin kung gaano kapayapa at kaligaya tayo kapag namuhay tayo sa piling ng Ama sa Langit at ni Jesucristo balang-araw.

Sealing Room

Sa ganitong mga silid, ang mga pamilya ay maaaring mabuklod sa kawalang-hanggan. Ibig sabihin nito ay makapamumuhay sila nang sama-sama bilang isang pamilya magpakailanman—hindi lang sa buhay na ito.

Pagkat templo’y tahanan ng Diyos,

Kagandaha’t pag-ibig.

Habang bata pa’y maghahanda;

Tungkulin kong sagrado.

(“Templo’y Ibig Makita,” Aklat ng mga Awit Pambata, 99)

Mga larawang kuha ng celestial room, bautismuhan, ordinance room, at sealing room ng Ogden Utah Temple

NAKAGITNA SA KANAN: LARAWANG KUHA NI Summer Rachael Derrick; PAGLALARAWAN NI Bradley Clark