Bakit kailangan kong patawarin ang isang taong nagdulot sa akin ng hirap at dusa?
Ang utos na patawarin ang lahat ng tao ang nahihirapang sundin ng marami sa atin. Ngunit sinabi ng Panginoon na kailangan natin silang patawarin dahil kung hindi nasa atin ang mas malaking kasalanan (tingnan sa D at T 64:9–11). Maaaring parang walang-saysay iyan sa atin sa una, ngunit sinisikap tayong tulungan ng Panginoon na maging higit na katulad Niya at magkaroon ng mas malaking kagalakan. Kung ibibigay natin sa Kanya ang ating pasanin at kalilimutan ang galit, hinanakit, at pasakit, magkaroon tayo ng kapayapaan sa buhay na ito at malalaking pagpapala sa kawalang-hanggan. Maaaring gumugol ng panahon, mga luha, pag-aayuno, panalangin, paghingi ng payo sa mga lider ng priesthood, at mga pagbisita sa templo, pero sulit lahat ito.
Gaya ng itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan:
“Alisin natin ang ating mga hinanakit. Bahagi ng layunin ng mortalidad ang matutong alisin ang gayong mga bagay. Iyan ang pamamaraan ng Panginoon.
“Alalahanin, karaniwan ang pangyayaring ito sa mga naroon sa langit: Sila ay napatawad. At sila ay nagpatawad” (“Ang Mahabagin ay Kahahabagan,” Liahona, Mayo 2012, 77).