Notebook ng Kumperensya ng Abril 2015
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).
Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2015, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga turo kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bumisita sa conference.lds.org.
Magagandang Kuwento mula sa Kumperensya
Ano ang mas umaagaw ng ating pansin kaysa sa isang magandang kuwento? Ang mga sumusunod ay tatlo sa maraming kuwentong ibinahagi sa kumperensya:
-
Sa talinghaga ng manghahasik, anong klase ng lupa ba kayo? Paano mababago ng pagkilala ukol sa bagay na ito ang inyong buhay? —Tingnan sa Dallin H. Oaks, “Ang Talinghaga ng Manghahasik,” 32.
-
Anong matitinding karanasan ang nakatulong sa isang bata pang ina na bumalik sa ebanghelyo ni Jesucristo? —Tingnan sa Rosemary M. Wixom, “Pagbalik sa Pananampalataya,” 93.
-
Paano dinaragdagan ng madamdaming kuwento tungkol sa dalawang magkapatid na nagipit sa matarik na bangin ang ating pag-unawa sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo? —Tingnan sa Jeffrey R. Holland, “Kapag ang Katarungan, Pag-ibig, at Awa ay Nagtugma,” 104.