2015
Mahahalagang Pangyayari sa Family Home Evening
Hulyo 2015


Mahahalagang Pangyayari sa Family Home Evening

Monica Mekala and family studying scriptures at their home in India.

Ipinagdiriwang ng family home evening ang dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan nito ngayong 2015.

Isandaang taon na ang nakararaan, hinimok ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) at ng kanyang mga tagapayo ang mga miyembro ng Simbahan na maglaan ng isang gabi para sama-samang umunlad at matuto. Nangako sila na ang mga gagawa nito ay masasaksihan ang mas malaking pagmamahalan sa tahanan at ibayong pagkamasunurin sa mga magulang. Ang konsepto ng home evening ay hindi na bago, ngunit ang panghihikayat na ito mula sa Unang Panguluhan noong Abril 27, 1915, ay nakatulong para maging mas laganap ang paggawa nito.

Limampung taon na ang nakararaan, muling binigyang-diin ni Pangulong David O. McKay (1873–1970) ang family home evening. Noong Enero 1965, ipinalathala niya ang unang family home evening manual, na may mga lingguhang araling ituturo sa bawat tahanan. Noong 1970 Lunes ng gabi ang iminungkahing gabi para sa family home evening.

Ngayon, 100 taon matapos itong ipatupad at 50 taon matapos bigyang-diing muli ang kahalagahan nito, ang family home evening ay nananatiling mahalaga sa buhay ng mga miyembro ng Simbahan.