2015
Bilang 14 anyos na teacher, ano ang talagang maiaambag ko sa home teaching?
Hulyo 2015


Bilang 14 anyos na teacher, ano ang talagang maiaambag ko sa home teaching?

Ayon sa mga banal na kasulatan, ang layunin ng mga home teacher ay “dumalaw sa bahay ng bawat kasapi, hinihikayat silang manalangin nang malakas at nang lihim at isagawa ang lahat ng tungkulin sa pamilya” (D at T 20:51). [Tungkulin] ng mga home teacher na “pangalagaan … at makapiling at palakasin” ang mga taong inatas na turuan nila (D at T 20:53). Sila ay “magbababala, magpapaliwanag, manghihikayat, at magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo” (D at T 20:59).

Ngayon itanong sa iyong sarili, “Kaya ko bang gawin ang mga bagay na iyon?” Ang sagot ay oo. Itanong sa iyong kompanyon kung paano ka makapag-aambag. Matutulungan ka niyang matutong makipag-appointment, magpatotoo, magbigay ng mga aralin, at marami pang iba. Pagkatapos ay makikita mo mismo kung paano mo mapagpapala ang buhay ng mga binibisita ninyo, at magkakaroon ka ng tiwala sa paggamit sa mga kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos para gampanan ito at ang marami pang tungkulin sa priesthood sa buong buhay mo.