Mga Kabatiran
Paano kung wala akong mga ninunong pioneer?
“Mahal ko at iginagalang ang pananalig at kalakasan ng loob ng mga sinaunang pioneer na iyon ng Simbahan. Ang sarili kong mga ninuno ay nanirahan sa ibayong dagat nang panahong iyon. Wala sa kanilang tumira sa Nauvoo o Winter Quarters, at walang naglakbay patawid sa kapatagan. Ngunit bilang miyembro ng Simbahan, mapagpasalamat at buong pagmamalaki kong inaangkin ang pamana ng mga pioneer na ito.“Inaangkin ko rin nang buong kagalakan ang mga pamana ng makabagong mga pioneer ng simbahan na nakatira sa bawat bansa at ang sarili nilang mga kuwento ng pagtitiyaga, pananalig, at sakripisyo ay nagdaragdag ng maluwalhati at bagong mga taludtod sa magandang koro ng himno ng kaharian ng Diyos sa mga huling araw
.”
Pangulong Dieter F. Uchtdorf, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Pananalig ng Ating Ama,” Liahona, Mayo 2008, 70.