2015
Ang Talinghaga ng mga Talento
Hulyo 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Ang Talinghaga ng mga Talento

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Nagsalaysay si Jesus ng isang kuwento, o talinghaga, tungkol sa isang lalaking nagpahiram ng ilang barya sa tatlong tao na nagtrabaho para sa kanya. Pagkatapos ay umalis ang lalaki. Habang wala siya, nagsikap nang husto ang dalawa sa kanila at ginamit ang kanilang mga barya para kumita ng mas maraming baryang maibabalik sa lalaki. Ngunit ibinaon lang ng isa sa kanila ang kanyang barya dahil natakot siyang mawala ito. Nang bumalik ang lalaki, binigyan niya ng mga gantimpala ang mga tao na palaguin ang mga baryang ipinahiram niya. Pero binawi niya ang barya sa taong hindi nagsikap na palaguin ito. (Tingnan sa Mateo 25:14–29.)

Tulad ng lalaki sa talinghaga, binigyan ng Ama sa Langit ang bawa’t isa sa atin ng ilang bagay na napakahalaga—hindi barya, kundi natatanging mga kakayahan o talento, tulad ng pag-awit, pagpapakita ng pagmamahal, pagtakbo, o pagtulong sa iba. Tulad ng mga tao sa talinghaga, kailangan kayong magsikap na mabuti na palaguin ang inyong mga talento!

Paano ninyo masusunod ang mga turo ni Jesus sa paggamit at pagpapahusay ng inyong mga talento? Maaari kayong maging mas masaya at tumulong sa iba kapag ginawa ninyo ito.

Mga paglalarawan ni Josh Talbot