2015
Doon ay Pupunta
Hulyo 2015


Doon ay Pupunta

Noong halos 12 anyos ako, sabik na sabik akong makapunta sa templo. Pinag-usapan namin ng pamilya ko kung ano ang pakiramdam ng makapasok sa loob nito, at tiningnan ko rin ang mga larawan ng loob ng templo.

Ilang linggo bago ako nagpunta para magsagawa ng mga binyag sa templo, nagdaos ang pamilya ko ng isang espesyal na family home evening. Nakinig kami sa magagandang kuwento tungkol sa ilan sa aming mga ninuno at nalaman namin kung saan sila tumira at ano ang naging buhay nila. Nalaman ko pa na tinamaan ng kidlat ang kalolo-lolohan ko at nakaligtas! Ang ilan sa mga ninuno ko ay nagmula sa England, kaya kinulayan namin ng nakababatang mga kapatid ko ang mga larawan ng bandilang English. Pakiramdam ko ay nakaugnay ako kahit paano sa aking mga ninuno.

Maganda ang loob at labas ng templo. Lahat ng naroon ay napakababait, at may magiliw at payapang diwa roon. Kaiba ito sa anumang nadama ko na. Talagang perpekto ang lahat. Nagdala ang tita ko ng mga pangalan ng ilang miyembro ng pamilya na hindi pa nabinyagan. Habang naghihintay kami, inisip namin ng nanay at tita ko kung ano kaya ang hitsura nila noong nasa lupa sila 300 taon na ang nakararaan. Espesyal ang pakiramdam na bininyagan ako ng tatay ko para sa kanila.

Nang makita kong nakaputi ang lahat ng tao pakiramdam ko’y napapaligiran ako ng mga anghel. Ang templo ay parang langit sa lupa.

Paglalarawan ni Jennifer Tolman