2015
Pag-iingat ng Talaan
Hulyo 2015


Mga Kabataan

Pag-iingat ng Talaan

Inihambing ni Pangulong Uchtdorf ang ating panahon sa panahon ng mga pioneer. Kahit maaaring hindi pa ninyo natawid ang kapatagan, mas katulad kayo ng mga pioneer kaysa inaakala ninyo! Maaari kayong magpakita ng habag, kasipagan, at magandang pananaw. At tulad ng alam natin na ipinamalas ng mga pioneer ang mga katangiang ito dahil sa mga talaang iningatan nila, maaari din kayong makilala ng inyong mga inapo sa pamamagitan ng inyong journal.

Mag-ukol ng ilang minuto na magtala nang kaunti tungkol sa inyong sarili sa inyong journal. Maaari kayong magsulat tungkol sa mga espirituwal na bagay, gaya ng paano ninyo natamo ang inyong patotoo o nadaig ang mga pagsubok sa tulong ng Ama sa Langit. Matutulungan din ninyo ang inyong kaapu-apuhan (na maaaring makabasa ng inyong journal balang-araw!) na malaman kung ano ang naging buhay ninyo sa araw-araw. Anong mga proyekto ang ginagawa ninyo sa paaralan? Ano ang hitsura ng kuwarto ninyo? Ano ang paborito ninyong alaala tungkol sa inyong pamilya?

Kapag nagsimula kayong magsulat nang kaunti araw-araw, hindi lamang ninyo makikita nang mas malinaw kung paano kayo tinutulungan ng Ama sa Langit sa inyong buhay araw-araw, kundi mag-iiwan din kayo ng pamana para sa sarili ninyong mga inapo.