2015
Si Jesucristo ay Paparitong Muli!
Disyembre 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Si Jesucristo ay Paparitong Muli!

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Product Shot from December 2015 Liahona

Sa Pasko, ipinagdiriwang ng mga tao sa buong mundo ang pagsilang ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Balang-araw ipagdiriwang natin ang isa pang napakagandang araw—ang Ikalawang Pagparito, kapag nagbalik si Jesus sa lupa! Itinuro na ng mga propeta kung ano ang mangyayari bago muling pumarito si Jesus. Ang isa sa mga bagay na iyon ay na ang Kanyang ebanghelyo ay ipapangaral sa buong mundo.

Ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay tumutulong sa atin na makadama ng kapayapaan, kahit tila nakakatakot ang mga nagaganap sa mundo. Sinabi ni Cristo, “Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man” (Juan 14:27).

Habang iniisip ninyo si Jesus sa Paskong ito, alalahanin na Siya ay babalik balang-araw, hindi bilang sanggol kundi bilang Hari ng mga hari. At doon malalaman ng lahat na Siya ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas ng mundo!