2015
Mga Banal na Kasulatan para kay Spencer
Disyembre 2015


Mga Banal na Kasulatan para kay Spencer

“Hilig kong laging binabasa, kasulatang banal. Espiritu’y dama, sa puso ko t’wina” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66).

Product Shot from December 2015 Liahona

Noong bagong kasal kami ng aking asawa, hinikayat ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) ang mga miyembro ng Simbahan na basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw kasama ang kanilang pamilya. Gusto naming sundin ang propeta, kaya nagpasiya kaming gawin iyon bilang mag-asawa at saka kasama ang magiging mga anak namin.

Makalipas ang maraming taon, nagkaroon kami ng limang anak, kabilang ang aming bunsong si Spencer.

Minsan, noong anim na taong gulang si Spencer, may pinuntahan kaming mag-asawa nang ilang araw at iniwan namin ang mga bata sa isang babysitter. Pag-uwi namin, umupo ako sa tabi ni Spencer at kinumusta kung ano ang nangyari habang wala kami.

Sinabi niya sa akin na nahirapan siyang matulog. Nang tanungin ko kung bakit hindi siya makatulog nang maayos, nag-isip siya at sinabing hindi niya alam.

Kalaunan nang gabing iyon sinimulan naming magpapamilya ang nakasanayan na naming pagbabasa ng Aklat ni Mormon nang sama-sama.

Biglang bumulalas si Spencer, “Kaya pala!” Itinanong ko kung ano ang sinasabi niya. “Kaya pala hindi ako makatulog nang husto sa gabi.”

“Bakit hindi ka makatulog?” tanong ko.

“Hindi po kami nagbasa ng mga banal na kasulatan sa gabi noong wala kayo, at gusto ko po ang pakiramdam na dulot ng mga banal na kasulatan.”

Natutuhan ni Spencer na ang pagbabasa ng mga banal na kasulatan araw-araw ay nagdudulot sa atin ng kapanatagan, kapayapaan, at patnubay ng Espiritu Santo.

Matututuhan nating mahalin ang mga banal na kasulatan kapag binasa natin ito araw-araw. Kapag ginawa natin ito, gagabayan tayo ng Espiritu Santo at palalakasin ng ating Ama sa Langit.