2015
Mga Paraan para Makapaglingkod sa Kapaskuhan
Disyembre 2015


Mga Kabataan

Mga Paraan para Makapaglingkod sa Kapaskuhan

Nag-uukol ng panahon si Pangulong Monson para bisitahin ang matatanda at nasa mga bahay-kalinga, lalo na sa Kapaskuhan. Napansin niya na mayroong masasaya dahil may bumisita sa kanila, samantalang ang iba ay umaasam lang sa mga bisitang hindi dumarating kailanman. May mga tao na naghihintay na mabisita ng isang tao—marahil ngayong Pasko, maaaring ikaw ang taong iyon.

Ang sumusunod ay listahan ng ilang paraan lamang na makakatulong kang tiyakin na walang sinumang malulumbay sa Paskong ito. Malayang mag-isip ng iba pang mga paraan na makakatulong ka sa inyong komunidad sa panahong ito. “Mayroon bang naghihintay sa pagbisita mo?”

  • Gumawa ng mga Christmas card na ipadadala sa mga missionary at sa mga walang-asawa at matatandang miyembro ng inyong ward o branch.

  • Magboluntaryo sa isang organisasyon sa inyong komunidad.

  • Mamigay ng mga kopya ng Aklat ni Mormon bilang Pamaskong regalo sa iyong mga kaibigan at kapitbahay.

  • Bisitahin ang matatanda sa inyong ward o pamilya.

  • Maghanda ng mga pagkaing ipadadala sa iyong mga kapitbahay.

Para sa iba pang mga ideya kung paano ka makapaglilingkod sa inyong komunidad, magpunta sa lds.org/topics/humanitarian-service/help.