Tagatanggap ka ba o Tagabigay?
Naisip mo na ba kung bakit mo pinaglilingkuran ang iba at sinusunod ang mga kautusan? Magandang gawin iyan sa buwang ito habang nag-aaral ka tungkol sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa mga aralin mo sa simbahan. Maitatanong mo sa iyong sarili, mas nahihikayat ba ako sa matatanggap ko o sa maibibigay ko?
Matutulungan ka ng mga tanong sa itaas na makita kung nakatuon ka sa iyong sarili (sarili mo ang iniisip mo) o nakatuon ka sa iba (iniisip mo ang iba).
OK lang na isipin ang mga pagpapalang matatanggap mo, pero kung makita mo na sarili mo ang iniisip mo kaysa iba, sikaping magtuon sa Diyos. Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson: “Tandaan na hindi lamang sa inyo o sa akin ang gawaing ito. Maaari tayong tumingala at humingi ng tulong sa langit” (“Gawin ang Inyong Tungkulin—Iyan Ang Pinakamainam,” Liahona, Nob. 2005, 58).