Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.
Tagapagsalita |
Kuwento |
Neil L. Andersen |
(49) Ang mga bata at kabataan ay pinagpapala kapag ang mga nakatatanda ay tinutulungan sila nang may pagmamahal, tinuturuan ng ebanghelyo, at mainit na tinatanggap sa simbahan. |
Mervyn B. Arnold |
(53) Iniligtas ng ina ni Mervyn B. Arnold ang mga nawawala at sugatang tupa ng Ama sa Langit. Ang mangingisdang kapatid ni Elder Alejandro Patania ay namatay sa dagat habang naghihintay na masagip sa malakas na bagyo. Isang kaibigan ni Mervyn B. Arnold ang sumapi sa Simbahan matapos turuan at kaibiganin nang 25 taon. Isang bishop ang tumulong na masagip ang 21 kabataang lalaki. |
Linda K. Burton |
(13) Noong 1856 tumulong ang kababaihan ng Simbahan sa pagsagip sa mga Banal na nabalaho sa kapatagan. Kinalinga ng mapagmalasakit na mag-asawa ang isang pamilya na mga refugee. Sa kanyang libing, isang dating stake Relief Society president ang inalala sa kanyang paglilingkod at pagmamahal. |
D. Todd Christofferson |
(93) Noong bata pa si D. Todd Christofferson ninais niyang masundan ang mga yapak ng kanyang matapat na ama. Ipinagdarasal ng isang ama ang kanyang anak na lalaki tuwing umaga dahil sa pagmamahal niya rito. |
Quentin L. Cook |
(97) Nagalak ang mga miyembro ng Simbahan sa Thailand Bangkok Mission sa balitang magtatayo ng templo sa Thailand. Isang pumanaw na anak na babae ang ibinuklod sa kanyang pamilya matapos itong magpakita sa asawa ng General Authority habang nasa templo. Sa kabila ng kaguluhan sa pulitika, iginiit ni Pangulong Gordon B. Hinckley na idaos ang seremonya sa paglalaan ng Suva Fiji Temple. |
Kevin R. Duncan |
(33) Lumabas ang salubsob mula sa daliri ni Kevin R. Duncan matapos niyang paulit-ulit na pahiran ng ointment at lagyan ng benda ito. |
Mary R. Durham |
(23) Isang ama na pasan-pasan ang anak habang tumatawid ng lawa ang naghubad ng sapatos para hindi siya mahila nang pailalim ng tubig. |
Cheryl A. Esplin |
(6) Isang tagapagsalita sa debosyonal ang nagturo sa kahalagahan ng pagtutuon ng pansin at paglilingkod sa iba. Nalaman ng isang bata sa Primary na mahal siya ni Jesus. |
Henry B. Eyring |
(19) Dalawang miyembro ng Simbahan ang nangangamba na baka madaig ng mga pagsubok ang kanilang pananampalataya kapag hindi nila naibalik ang kanilang pagmamahal sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan. (81) Nalungkot si Henry B. Eyring dahil hindi nabuklod sa templo ang isang pamilya. Inaasam ng isang balo na sumapi sa Simbahan na makasama ang kanyang pamilya nang walang hanggan. |
Gerrit W. Gong |
(108) Hinikayat ng isang basketball coach ang batang si Gerrit W. Gong na subukang sumali sa soccer. Bago pumasok sa templo, nililinis ng isang mekaniko ang kanyang mga kamay sa pamamagitan ng paghuhugas ng pinggan. |
Robert D. Hales |
(105) Si Robert D. Hales ay tumanggap ng mga impresyon mula sa Espiritu Santo sa kanyang paglilingkod sa Simbahan at personal na buhay. |
Donald L. Hallstrom |
(26) Isinulat ng batang anak na babae ni Donald L. Hallstrom sa isang sulatin sa paaralan na makakasama niya ang Ama sa Langit kapag namatay na siya. Ang mga miyembro ng Simbahan sa Liberia ay bumigkas ng sipi mula sa mga banal na kasulatan at inawit ang “Saligang Kaytibay” nang may pambihirang katapatan. |
Paul V. Johnson |
(121) Namatay ang anak na babae ni Paul V. Johnson na may pag-asa sa kabilang-buhay at Pagkabuhay na Mag-uli. |
Patrick Kearon |
(111) Si Patrick Kearon ay hindi na katulad ng dati matapos marinig ang kuwento tungkol sa mga refugee at masaksihan ang pangangalaga sa kanila ng mga relief worker. |
Neill F. Marriott |
(10) Nadama ni Neill F. Marriott ang pangangalaga ng step-grandmother ng kanyang nobyo. Ipinagtanggol ni Neill F. Marriott ang pagiging ina sa taong tumawag sa kanya sa telepono na hindi nagpakilala. |
Jairo Mazzagardi |
(56) Bilang bagong binyag sa Simbahan, nagsaliksik si Jairo Mazzagardi at natanggap ang sagot sa kanyang mga tanong tungkol sa Panunumbalik. |
Thomas S. Monson |
(85) Inutusan ng isang marapat na maytaglay ng priesthood ang barkong sasagip na iligtas siya at ang kanyang mga tripulante na nakakapit sa mga balsa. |
Russell M. Nelson |
(66) Ibinuklod ni Russell M. Nelson ang isang pamilya sa templo matapos magsumamo sa kanya mula sa kabila ng tabing ang dalawang yumaong anak na babae ng pamilya at matapos maging karapat-dapat sa templo ang kanilang ama at kapatid na lalaki. |
Dallin H. Oaks |
(114) Dumanas ng pag-uusig si Joseph Smith habang naghahanap ng tagapaglathala para sa Aklat ni Mormon. |
Bonnie L. Oscarson |
(87) Pinagtibay ng Espiritu Santo ang katotohanan ng ebanghelyo sa isang ina na may anak na malubha ang karamdaman. |
Stephen W. Owen |
(70) Habang umaakyat ng bundok sakay ng kabayo, alam ni Stephen W. Owen na magiging ligtas siya kung susundan niya ang kanyang ama. Masaya si Stephen W. Owen na makapagpasa ng sakramento. Isang kabataang lalaki sa New Zealand ang nagbigay ng basbas ng priesthood sa kanyang ina. |
Ronald A. Rasband |
(46) Ang pagbisita ni Ronald A. Rasband sa Pakistan ay “isang di-malilimutang araw” para sa kanya at sa mga Banal doon. Si Ronald A. Rasband ay nakilahok sa Face to Face broadcast. |
Dale G. Renlund |
(39) Habang siya ay nakikibahagi sa sakramento, natanto ng isang sister sa South Africa ang personal na katangian ng sakripisyo ng Tagapagligtas. |
Kent F. Richards |
(118) Kasunod ng paglalaan ng templo, si Kent F. Richards at ang kanyang asawa ay nabinyagan para sa kanilang mga ninuno. Nasaksihan ni Kent F. Richards ang tatlong-henerasyon na pamilya na binibinyagan para sa kanilang mga ninuno. |
Steven E. Snow |
(36) Ang mga panalangin ni Steven E. Snow at ang kanyang pamilya ay naging mas mapagpakumbaba, taos-puso, at tapat habang nagpapagaling sa matinding pinsala sa ulo ang kanyang anak na lalaki. |
Gary E. Stevenson |
(29) Matapos mawalan ng susi ng kotse, ginawan ng analohiya ni Gary E. Stevenson ang mga susing kailangan para mapaandar ang kotse at ang mga susi ng priesthood na kailangan para pangasiwaan ang Simbahan. Habang binibinyagan ang kanyang mga anak para sa mga ninuno ng isa pang temple patron, nalaman ng ina na mga ninuno rin pala niya ang mga binibinyagan. |
Dieter F. Uchtdorf |
(101) Nadama ni Dieter F. Uchtdorf ang impluwensya ng Espiritu Santo habang pinagninilayan niya ang pagtatayong muli sa Dresden, Germany, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. |
W. Christopher Waddell |
(90) Isang bata sa Primary ang nahihirapang isipin si Jesus. Isang ama at ina ang napanatag nang malaman nila na sila ay naibuklod sa kanilang pumanaw na sanggol na lalaki. |