Naglilingkod ang mga Propeta at Apostol
Bilang mga “natatanging saksi ng pangalan ni Jesucristo sa buong daigdig” (D at T 107: 23), patuloy na naglilingkod sa buong mundo ang mga propeta at apostol. Mula noong huling pangkalahatang kumperensya, ang mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol, bukod pa sa iba pang mga tungkulin, ay:
-
Ginamit ang social media at Face to Face events para tulungan ang mga kabataan at young adult (tingnan sa lds.org/youth/activities).
-
Nagsalita sa mga kumperensya na laban sa pornograpiya at tungkol sa family history.
-
Nagsalita sa mga unibersidad tungkol sa pagiging “tunay na mga isinilang sa milenyong ito” at sa pagtatanggol sa pananampalataya at pagpapahalaga sa moralidad.
-
Nakipag-usap sa mga miyembro at lider ng Simbahan, mga opisyal ng pamahalaan, at mga pinuno ng relihiyon sa Argentina, Botswana, Chile, Democratic Republic of the Congo, Ecuador, Mozambique, Peru, sa Pilipinas, Uruguay, Zambia, at Zimbabwe.