2016
May Iba pang Makukuhang mga Edisyon ng Banal na Kasulatan
Mayo 2016


May Iba pang Makukuhang mga Edisyon ng Banal na Kasulatan

Ang mga banal na kasulatan ay available na ngayon sa ilang wika.

Sa Portuguese, may isa nang nakalimbag na edisyon ng Biblia at mas bagong edisyon ng triple combination na makukuha ngayon. May digital edition na noon pang Setyembre 2015 sa asescrituras.lds.org at sa Gospel Library mobile app. Makukuha ang iba pang impormasyon sa Portuguese sa bibliasagrada.lds.org.

Sa Spanish, makukuha ang mga bagong edisyon ng mga pamantayang aklat online sa escrituras.lds.org at sa Gospel Library mobile app. Ang mga nakalimbag na kopya ay magiging available na sa katapusan ng Hunyo 2016.

Ang bagong triple combination sa Marshallese, Xhosa, at Zulu at ang Aklat ni Mormon sa Chuukese ay nakalimbag na ngayon at makukuha sa mga distribution center at sa store.lds.org. Makukuha rin ang mga ito online at sa Gospel Library mobile app.

Ang mga pagsasalin ng banal na kasulatan sa 16 na iba pang wika, na dati’y makukuha lamang na nakalimbag, ay nakalathala sa LDS.org at sa Gospel Library app: ang triple combination sa Afrikaans, Armenian, Bulgarian, Cambodian, Fante, Igbo, Latvian, Lithuanian, Shona, at Swahili; at ang Aklat ni Mormon sa Hindi, Hmong, Serbian, Tok Pisin, Twi, at Yapese.