2016
Mga tampok na kaganapan sa Ika-186 na Ikalawang Taunang Pangkalahatang Kumperensya ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Mayo 2016


Mga tampok na kaganapan sa Ika-186 na Taunang Pangkalahatang Kumperensya ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Ang sesyon sa Sabado ng umaga ng pangkalahatang kumperensya ng Abril ay nagsimula sa paanyaya ni Pangulong Henry B. Eyring sa mga tagapakinig na ipagdasal ang mga tagapagsalita at ang mga koro, bago sila magsalita at sa oras na nagsasalita na sila. At sa pagtatapos ng kumperensya sa Linggo ng hapon, sinabi ni Elder Jeffrey R. Holland: “Kung sa mga darating na araw ay hindi lamang kayo nakakita … sa sarili ninyong buhay ng mga bagay na hindi lubos na nakaayon sa mga mensaheng narinig ninyo nitong Sabado’t Linggo, huwag panghinaan ng loob. … Ang kahanga-hanga sa ebanghelyo ay napagpapala tayo sa ating mga pagsisikap kahit hindi tayo laging nagtatagumpay” (pahina 125, 126).

Ang mga panawagan nila na kumilos ay ibinadya at pinagtibay ang panawagan ni Pangulong Thomas S. Monson na “sa pagninilay natin sa mga desisyong ginagawa natin sa buhay araw-araw, … kung si Cristo ang ating pipiliin, magiging tama ang ating desisyon” (pahina 86).

Kabilang sa iba pang tampok na kaganapan mula sa kumperensya:

  • Ang pagbabalita ni Pangulong Monson tungkol sa apat na bagong templo: sa Belém, Brazil; Quito, Ecuador; Lima, Peru (ang pangalawang templo roon); at Harare, Zimbabwe (tingnan ang kuwento sa pahina 142).

  • Ang pagsang-ayon sa 11 bagong General Authority (ang kanilang talambuhay ay nagsisimula sa pahina 131).

  • Ang pagsang-ayon sa bagong Primary general presidency (ang kanilang talambuhay ay nagsisimula sa pahina 136).

  • Ang pagbabalita tungkol sa bagong inisyatibo para sa mga indibiduwal at mga pamilya na makatutulong sa mga refugee sa kanilang lugar (tingnan sa pahina 13, 111, at 141).

  • Pagtutuon ng pansin sa ugnayan ng pamilya, lalo na ang tungkulin ng mga kalalakihan bilang asawa, ama, at mayhawak ng priesthood.

  • Mga kaalaman tungkol sa doktrina mula sa mga tagapagsalita, tulad nitong mula kay Elder Dale G. Renlund: “Habang lumalapit tayo sa Diyos, ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ay darating sa ating buhay. At, gaya ng mga disipulo na papunta sa Emaus, matutuklasan natin na nariyan lang pala sa tabi ang Tagapagligtas” (pahina 42).