Paggawa ng Mabuti sa Buong Mundo
Patuloy na sinusunod ng mga Banal sa mga Huling Araw ang halimbawa ng Tagapagligtas na “naglilibot na gumagawa ng mabuti” (Mga Gawa 10:38). Narito ang ilang bagong halimbawa.
Sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, nagtipon ang mga miyembro ng Simbahan at mga kaibigan mula sa siyam na bansa sa Middle East—na mga katutubo sa anim na kontinente—para sa isang kumperensya at interfaith humanitarian project. Nagtipon sila at namahagi ng 8,500 hygiene kit at mga pakete ng pagkain.
Sa Uganda, dalawang dentista at tatlong oral hygienist, na pawang mga Banal sa mga Huling Araw, ang gumugol ng isang linggo sa pagpapasta, pagbunot at paglilinis ng mga ngipin, pagtuturo ng good oral hygiene, at pagbibilin sa mga dentista at dental students sa lugar tungkol sa pinakamagagandang kaugalian sa propesyong ito.
Sa Malaysia, nagtuon ang mga miyembro ng Simbahan sa pamilya sa pagdiriwang ng Chinese New Year, isang kaganapan na kinaugaliang kabilangan ng pagbisita sa mga libingan bilang paggunita, paggalang, at pagpipitagan sa mga ninuno.
Sa Thailand, nagtipon ang mga miyembrong edad 18 hanggang 35 sa Bangkok para sa isang paligsahan sa pagluluto at isang proyektong paglilingkod.
Sa Fiji, tumulong ang mga miyembro at missionary sa mga biktima ng Bagyong Winston. Nakipagtulungan ang mga lider ng Simbahan sa mga organisasyon ng pamahalaan at iba pang mga non-government organization sa paglalaan ng pagkain, tubig, mga tolda, mga hygiene pack, at iba pang mga emergency supply.