2016
Lumalago ang Simbahan sa Africa
Mayo 2016


Lumalago ang Simbahan sa Africa

Patuloy ang napakabilis na pag-unlad ng Simbahan sa Africa sa nakalipas na 30 taon. Sa simula ng 2016, may 1,600 kongregasyon ng mga LDS sa Africa, na mahigit kalahating milyon ay mga miyembro ng Simbahan—iyan ay 11 beses na mas maraming ward at branch at 20 beses na mas maraming miyembro doon kaysa noong 1985.

Noong 2015 lumikha ng 17 bagong stake ang Simbahan sa buong Africa.

Pinasalamatan ng mga lider ang paglagong ito, kahit bahagya, sa pagtutuon ng ebanghelyo sa pamilya. Sabi ni João Castenheira, stake president sa Maputo, Mozambique, “Hinahanap ng mga miyembro ang isang simbahan na magpapaligaya sa kanila, at ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo ay nagpapaligaya sa mga pamilya.”

“Pakiramdam ko talaga, ito ang panahon ng Africa,” sabi ni Elder Edward Dube ng Pitumpu, na tubong Zimbabwe. “Ang kamay ng Panginoon ay nasa kontinente.”