150 Templong Gumagana
Sa sesyon sa Linggo ng umaga ng kumperensya, ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson ang mga planong magtayo ng apat pang templo: sa Belém, Brazil; Quito, Ecuador; Lima, Peru; at Harare, Zimbabwe.
Mula noong huling pangkalahatang kumperensya, naganap na ang mga pangyayaring ito tungkol sa mga templo:
Mga Paglalaan at Muling Paglalaan
Sa paglalaan ng Provo City Center Temple sa Provo, Utah, USA, ang Simbahan ngayon ay may 150 templong gumagana sa buong mundo. Ang templo ay inilaan noong Marso 20, 2016, ilang araw bago sumapit ang ika-180 anibersaryo ng paglalaan ng Kirtland Temple, ang unang templo ng Panunumbalik, noong Marso 27, 1836.
Tatlong iba pang mga templo ang inilaan o muling inilaan: ang Montreal Quebec Temple noong Nobyembre 2015, ang Tijuana Mexico Temple noong Disyembre 2015, at ang Suva Fiji Temple noong Pebrero 2016.
Nakaiskedyul ding ilaan ang Sapporo Japan Temple, sa Agosto 21, 2016; ang Philadelphia Pennsylvania Temple, sa Setyembre 18, 2016; ang Fort Collins Colorado Temple, sa Oktubre 16, 2016; ang Star Valley Wyoming Temple, sa Oktubre 30, 2016; at ang Hartford Connecticut Templo, sa Nobyembre 20, 2016.
Ang katatapos na i-renovate na Freiberg Germany Temple ay muling ilalaan sa Setyembre 4, 2016.
Pagtatayo at mga Renovation
Patuloy ang pagtatayo sa Concepción Chile Temple, Paris France Temple, Rome Italy Temple, at ang sumusunod na mga templo sa Estados Unidos: Cedar City Utah, Meridian Idaho, at Tucson Arizona. Ang mga petsa ng pagkumpleto sa mga ito ay mula 2016 hanggang 2018. Naka-pending pa ang lubusang pagtatayo sa Fortaleza Brazil temple. Tinatapos pa ang renobasyon ng mga templong Frankfurt Germany, Jordan River Utah, at Idaho Falls Idaho.
Mga Groundbreaking
Idinaos ang mga groundbreaking para sa Lisbon Portugal Temple noong Disyembre 2015 at sa Barranquilla Colombia Temple at Kinshasha Democratic Republic of the Congo Temple noong Pebrero 2016. Naganap ang groundbreaking para sa Durban South Africa Temple noong Abril 9, 2016.
Pagpaplano at Paghahanda
Ang mga templong ito ay naibalita ngunit pinaplano at inihahanda pa rin: Abidjan Ivory Coast (Côte d’Ivoire), Arequipa Peru, Bangkok Thailand, Port-au-Prince Haiti, Rio de Janeiro Brazil, Urdaneta Philippines, at Winnipeg Manitoba.