2016
Ang Buong Baluti ng Diyos
June 2016


Ang Buong Baluti ng Diyos

whole armor of God

Mga paglalarawan ni Brandon Dorman

Itinuturo sa mga banal na kasulatan na dapat nating isuot ang “buong baluti” ng Diyos (tingnan sa Mga Taga Efeso 6:11–18 at D at T 27:15–18). Kapag nag-aaral tayo ng mga banal na kasulatan at nananalangin, para tayong nagsusuot ng baluti na tumutulong sa ating manatiling ligtas.

Ano ang magagawa ninyo bawat araw para manatili na ligtas at masaya ang inyong espiritu?

Helmet ng Kaligtasan

Ang helmet ay proteksyon sa ulo. Pinapanatili nating payapa ang ating isipan kapag sumusunod tayo kay Jesus at ginagawa natin ang gusto Niyang ipagawa sa atin.

Kalasag ng Pananampalataya

Ang pananampalataya kay Jesucristo ay parang kalasag na proteksyon. Kapag tayo ay naniniwala kay Jesus at sinisikap nating maging katulad Niya, mapipili natin ang tama, kahit mahirap ang mga bagay-bagay.

Bigkis ng Katotohanan

Ang bigkis ay sinturon na proteksyon sa katawan ng isang sundalo. Kapag alam natin ang totoo may proteksyon tayo. Ang ebanghelyo ay totoo, at ang pagsasabuhay ng ebanghelyo ay nagpapalakas sa atin.

Baluti sa Dibdib ng Katuwiran

Ang baluti sa dibdib ay proteksyon sa puso. Kapag mahal natin ang Diyos nang buong puso, sinisikap nating sundin ang mga utos Niya. Pinagpapala tayo kapag pinipili natin ang tama.

Mga Sapatos ng Paghahanda sa Ebanghelyo ng Kapayapaan

Ang mga sapatos ay proteksyon sa mga paa. Sinisikap nating sundan ang mga yapak ni Jesucristo para makapiling natin Siya balang-araw.

Espada ng Espiritu

Ang espada ay nakakatulong sa paglaban sa masasama. Tinutulungan tayo ng Espiritu kapag nakakaranas tayo ng masasama o mahihirap na bagay. Ang pakikinig sa Espiritu ay tumutulong sa atin na manatiling ligtas.