Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon Itinuro ni Alma Kung Paano Magdasal Si Nakakabatang Alma at ang iba pa ay nagturo sa mga Zoramita. Ang mga Zoramita ay dating naniniwala sa Ama sa Langit, ngunit hindi na sila sumusunod sa Kanyang mga utos. Hindi sila naniniwala kay Jesus. At hindi rin nila maalala ang tamang paraan ng pagdarasal. Minsan sa isang linggo, halinhinan sa pagdarasal ang mga Zoramita. Umaakyat sila sa isang mataas na tindigan. Itinataas nila ang kanilang mga kamay. Pagkatapos ay ipinagpapasalamat nila sa Ama sa Langit na sila ay mas espesyal kaysa ibang tao. Inuulit lang ng bawat tao ang gayon ding panalangin. Nagdarasal lang ang mga Zoramita kapag umaakyat sila sa tindigan. Hindi nila iniisip ang Ama sa Langit o nagdarasal sa Kanya sa tahanan o saan man. Itinuro ni Alma sa mga tao na maaari silang magdasal kahit kailan. Maaari silang magdasal sa bahay, sa bukid, o sa ilang. Itinuro niya na maaari nilang ipagdasal ang kahit anuman at tutulungan sila ng Ama sa Langit. Maaari nating gawin ang paraan ng pagdarasal na itinuro ni Alma. Maaari tayong magdasal anumang oras, kahit kailan at kahit saan. Maaari din tayong magdasal nang tahimik lamang sa puso natin. Lagi tayong pakikinggan ng Ama sa Langit!