Mga Kabatiran Paano natin madarama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa lahat ng Kanyang anak? “Para mabisang mapaglingkuran ang iba kailangan natin silang tingnan ayon sa paningin ng isang magulang, ayon sa paningin ng Ama sa Langit. Noon lamang natin mauunawaan ang tunay na kahalagahan ng isang kaluluwa. Noon lamang natin madarama ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa lahat ng Kanyang anak. Noon lamang natin madarama ang pagmamalasakit ng Tagapagligtas para sa kanila. Hindi natin lubos na magagampanan ang ating obligasyon sa tipan na makidalamhati sa mga taong nagdadalamhati at aliwin ang mga nangangailangan ng aliw maliban kung titingnan natin sila ayon sa paningin ng Diyos.” Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Sa Paningin ng Diyos,” Liahona, Nob. 2015, 94.