2016
Mga Ordenansa at Tipan sa Templo
June 2016


Mensahe sa Visiting Teaching

Mga Ordenansa at Tipan sa Templo

Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at hangaring malaman kung ano ang ibabahagi. Paano palalakasin ng pag-unawa sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ang inyong pananampalataya sa Diyos at pagpapalain ang mga pinangangalagaan ninyo sa pamamagitan ng visiting teaching? Para sa iba pang impormasyon, magpunta sa reliefsociety.lds.org.

Pananampalataya, Pamilya, Kapanatagan

Relief Society seal
Nauvoo Illinois Temple

Lahat ng ordenansang kailangan para sa kaligtasan at kadakilaan ay may lakip na mga pakikipagtipan sa Diyos. “Ang paggawa at pagtupad ng mga tipan ay pagpiling ibuklod ang ating sarili sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo,” sabi ni Linda K. Burton, Relief Society general president.1

Sabi ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Sabi ng Panginoon, ‘Sa mga ordenansa … ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita.’

“May espesyal na mga pagpapala ang Diyos para sa bawat karapat-dapat na taong nabinyagan, tumanggap ng Espiritu Santo, at regular na nakikibahagi ng sakramento.”2

“Kapag ang kalalakihan at kababaihan ay pumunta sa templo,” sabi ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, “kapwa sila pinagkakalooban ng kapangyarihan, ang kapangyarihan ng priesthood …

“… Lahat ng lalaki at babae ay may karapatan sa kapangyarihang ito para makatulong sa kanilang buhay. Lahat ng gumawa ng sagradong mga tipan sa Panginoon at tumutupad sa mga tipang iyon ay may karapatang makatanggap ng personal na paghahayag, mapaglingkuran ng mga anghel, makipag-ugnayan sa Diyos, makatanggap ng kabuuan ng ebanghelyo, at, sa huli, maging mga tagapagmana na kasama ni Jesucristo sa lahat ng mayroon ang Ama.”3

Karagdagang mga Banal na Kasulatan

1 Nephi 14:14; Doktrina at mga Tipan 25:13; 97:8; 109:22

Mga Kuwento ng Buhay

Noong 2007, apat na araw pagkaraan ng malakas na lindol sa Peru, nakilala ni Elder Marcus B. Nash ng Pitumpu ang branch president na si Wenceslao Conde at ang asawa nitong si Pamela. “Kinumusta ni Elder Nash kay Sister Conde ang kanyang mga anak. May ngiti sa labi, sumagot ito na sa kabutihan ng Diyos ay ligtas at maayos silang lahat. Kinumusta niya ang bahay ng mga Conde.

“‘Wala na po,’ sabi lang nito.

“… ‘Pero,’ pagpansin ni Elder Nash, ‘nakangiti ka pa habang nag-uusap tayo.’

“‘Opo,’ sabi niya, ‘nagdasal po ako at napanatag. Nasa amin na ang lahat ng kailangan namin. Magkakasama kami, narito ang mga anak namin, nabuklod kami sa templo, narito ang kagila-gilalas na Simbahang ito, at kasama namin ang Panginoon. Makapagsisimula kaming muli sa tulong ng Panginoon.’ …

“Ano ba ang nasa paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Diyos na nagbibigay sa atin ng lakas na ngumiti sa gitna ng kahirapan, na gawing tagumpay ang paghihirap … ?”

“Diyos ang pinagmumulan nito. Matatamo natin ang lakas na iyon sa pamamagitan ng ating mga tipan sa Kanya.”4

Mga Tala

  1. Linda K. Burton, “Ang Kapangyarihan, Galak, at Pagmamahal sa Pagtupad ng Tipan,” Liahona, Nob. 2013, 111.

  2. Neil L. Andersen, “Kapangyarihan sa Priesthood,” Liahona, Nob. 2013, 92.

  3. M. Russell Ballard, “Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon,” Liahona, Abr. 2014, 48–49.

  4. Tingnan sa D. Todd Christofferson, “Ang Kapangyarihan ng mga Tipan,” Liahona, Mayo 2009, 19, 20.