Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.
“Ang Ating Paniniwala,” pahina 8: Itinuturo ng artikulong ito, “Kapag sinang-ayunan natin ang propeta at mga apostol, nagtatamo tayo ng patotoo na sila ay mga lingkod ng Diyos.” Mapapalakas ninyo ang inyong patotoo tungkol sa mga propeta sa pagbabasa o pakikinig sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya. Bilang pamilya, isiping basahin ang isa sa mga huling mensahe ni Pangulong Monson at piliin ang partikular na bahagi ng payo niya na ipamumuhay ninyo. Habang ipinamumuhay ninyo ang ipinayo ng propeta, sikaping makita kung paano kayo pinagpapala.
Sa “Come, Follow Me [Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin]: Pagtuturo ng mga Pangunahing Alituntunin sa Tahanan,” pahina 28: Isiping pag-aralan ang isang paksa sa Come, Follow Me bilang pamilya sa loob ng isang buwan. Maaari ninyong pag-aralan ang mga aspeto ng napili ninyong paksa kada linggo, gamit ang mga banal na kasulatan o iba pang mga tulong sa pag-aaral gaya ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo, LDS.org, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, at The Life of Christ Bible Videos. Sa family home evening linggu-linggo, maaari ninyong ibahagi ang natutuhan at nadama ninyo.