Tampok na Doktrina
Kapatawaran ng Ating mga Kasalanan
“Ang mga ordenansa ng binyag sa pamamagitan ng paglulubog, pagpapatong ng mga kamay para sa kaloob na Espiritu Santo, at sakramento ay mga kaganapang magkakaugnay at hindi magkakahiwalay; bagkus, mahalaga ang mga ito sa magkakaugnay at magkakasamang huwaran ng pagkatubos. Bawat sumunod na ordenansa ay pinararangal at pinalalaki ang ating espirituwal na layunin, hangarin, at gawain. Ang plano ng Ama, ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, at ang mga ordenansa ng ebanghelyo ay inilalaan ang biyayang kailangan natin upang sumulong at umunlad nang taludtod sa taludtod at tuntuntin sa tuntunin tungo sa ating walang-hanggang tadhana.”