Mga Kamay, Puso, at Isang Ngiti
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Pinanood ni Lydia ang paghahanda ni Inay sa pagpasok sa trabaho. Nagpahid si Inay ng magandang kulay-pink na lipstick sa kanyang mga labi. Ang ganda niya.
Tumingin si Lydia sa salamin. Nalungkot siya. “Wala akong lipstick,” sabi ni Lydia. “Kaya hindi ako maganda.”
Mahigpit siyang niyakap ni Inay. “Hindi lipstick ang nagpapaganda sa mga tao. Pagiging matatag at mabait ang nagpapaganda sa mga tao.
“Matatag ka at mabait kapag tumutulong ka sa iba.
“Matatag ka at mabait kapag mahal mo ang lahat ng tao.
“At matatag ka at mabait kapag ngumingiti ka. Nagpapasaya rin iyan sa lahat ng tao.
“Ang pagiging matatag at mabait ay nagpapaganda sa iyong kalooban, hindi lang sa labas.
Gusto ni Lydia na maging matatag at mabait!
Ginamit niya ang kanyang mga kamay sa pagdadala ng mga liham para kay Lolo. Ibinigay niya ang huling biskwit niya sa pinsan niya.
Nakadama siya ng pagmamahal sa kanyang puso nang makipaglaro siya sa isang bagong kapitbahay. At nakadama siya ng pagmamahal nang bigyan niya ng mga barya ang isang batang babaeng nangongolekta ng pera para sa mga taong walang tirahan.
Nginitian niya ang mga taong nakasalubong niya. Nginitian din siya ng mga ito.
Noong gabing iyon sinabi ni Lydia kay Inay, “Tama kayo! Nakadama ako ng katatagan at kabaitan. Ginamit ko ang aking mga kamay at puso at ngiti ngayon.”
Ngumiti si Inay. “Matatag ka at mabait, kagaya ng nais ni Jesus na kahinatnan mo!”