2016
Sa Landas Tungo sa Higit na Pag-asa sa Sarili
August 2016


Sa Landas Tungo sa Higit na Pag-asa sa Sarili

Lalo ka bang umaasa sa sarili o nagiging self-reliant araw-araw?

Markahan ang sarili mo sa mga pahayag na ito upang makakuha ng ideya kung nasaan ka na sa pagsisikap mong umasa sa sarili.

Ang evaluation na ito ay hindi kumpletong listahan ng mga patnubay. Kapag mapanalangin ninyong pinag-aralan ng pamilya mo ang paksang ito at nag-usap-usap kayo, maaaring iparamdam sa inyo ng Espiritu kung paano pa kayo huhusay.

Matapos kumpletuhin ang self-evaluation, isiping magtakda ng ilang mithiin sa mga aspetong mas mababa ang nakuha ninyong marka.

Response Key: 1=Hindi Kailanman, 2=Kung Minsan, 3=Madalas, 4=Halos Palagi, 5=Palagi

self reliance evaluation

Kahandaan

1. May pera akong nakatabi para gamitin sa oras ng emergency.

2. Lagi akong may stock na emergency supplies sa bahay (tulad ng mga kumot, kandila, flashlight).

3. Itinatago ko ang mahahalagang dokumento sa ligtas na lugar, at alam namin ng pamilya ko kung saan makukuha ang mga ito.

4. Lagi akong bumibili at nag-iimbak ng sobrang pagkain at tubig.

5. Ginagamit ko ang imbak na pagkain ko at pinapalitan ito ng bago para hindi ito mapaso.

Trabaho

1. Sinisikap kong paghusayin ang aking mga kasanayan sa trabaho at pagiging produktibo sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar at klase na itinataguyod ng kumpanya.

2. Nakakapagtrabaho ako nang maayos na kasama ang iba, at may tiwala sila sa akin.

3. Bago maghanap ng trabaho, nanghihingi ako ng feedback sa resume ko at kasanayan ko sa interbyu.

4. Mahilig akong manalangin at positibo ang pananaw ko habang naghahanap ako ng trabaho.

5. Naghahanap ako ng mga pagkakataong gumawa ng mga bagong contact na may potensyal na humantong sa pagkakaroon ng trabaho.

Pananalapi

1. Naghahanap ako ng mga paraan para makaipon ng pera sa pamamagitan ng pagbabawas sa paggastos nang hindi kailangan.

2. Regular akong nagtatabi ng pera sa isang savings o investment account.

3. Iniiwasan kong mangutang nang hindi kailangan.

4. Nagbabayad ako ng tapat na ikapu at nagbibigay ng malaking handog-ayuno.

5. Pinangangalagaan ko ang aking mga ari-arian para mas tumagal ang mga ito.

Pisikal na Kalusugan

1. Sinisikap kong mag-ehersisyo nang regular.

2. Kumakain ako ng masusustansyang pagkain at umiinom ng sapat na tubig araw-araw.

3. Ipinamumuhay ko ang Word of Wisdom at hinihikayat ang iba na gawin din ito.

4. Iniiwasan kong maadik sa nakapipinsalang mga bagay.

5. Natutulog ako nang sapat at iniiwasan kong matulog nang sobra-sobra.

Edukasyon

1. Naghahanap ako ng pormal at di-pormal na mga pagkakataon para matuto.

2. Kapag naghahangad akong magpatuloy sa pag-aaral, naghahanap ako ng resources tulad ng mga scholarship o Perpetual Education Fund.

3. Ayos lang sa akin ang malantad sa mga pananaw at opinyon na kaiba sa akin.

4. Hinahangad ko ang Espiritu para tulungan akong mahiwatigan ang katotohanan at matandaan ang natututuhan ko.

5. Sinasamahan ko ng araw-araw na pag-aaral ng ebanghelyo ang pag-aaral ko.