Bisitahin ang news.lds.org para sa iba pang mga balita at kaganapan sa Simbahan.
Ibinalita ng Unang Panguluhan ang mga pagbabago sa pamunuan sa mga area, simula sa Martes, Agosto 01, 2016. Lahat ng miyembro ng Area Presidency ay mga General Authority Seventy.
Ang Pitumpu ay tinatawag sa pamamagitan ng paghahayag, sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan, upang tulungan ang Korum ng Labindalawang Apostol sa kanilang paglilingkod sa iba’t ibang dako ng mundo.
Noong panahon ng ministeryo ni Cristo sa lupa, tinawag Niya ang Pitumpu, pinagbilinan sila sa paraang katulad ng pagbibilin Niya sa Labindalawang Apostol, at isinugo sila “mula sa kanyang harapan,” na ipinaliliwanag na yaong mga nakarinig sa kanilang tinig ay maririnig ang Kanyang tinig (tingnan sa Mateo 10:1, 16–17; Lucas 10).
Sa paghahayag na ibinigay kay Propetang Joseph Smith noong 1835, inihayag ng Panginoon, kabilang ang iba pang bagay, “[ang] orden ng Pitumpu, na sila ay nararapat magkaroon ng pitong pangulo na mamumuno sa kanila, pinili mula sa bilang ng pitumpu” (D at T 107:93).