Paghahanap ng Pagkakatulad
Mga Banal na Tungkulin ng Kalalakihan
Kung minsan ay hindi lang isang tagapagsalita ang nagbibigay ng mensahe tungkol sa iisang paksa ng ebanghelyo. Narito ang sinabi ng tatlong tagapagsalita tungkol sa mga banal na tungkulin ng kalalakihan:
-
Lalaki: “Tratuhin ninyo ang inyong asawa … tulad ng pagtrato ng Ama sa Langit sa inyo.” —Henry B. Eyring, “Mga Walang-Hanggang Pamilya,” 83.
-
Maytaglay ng priesthood: “Maging karapat-dapat sa [inyong] mga pribilehiyo bilang mga maytaglay ng priesthood. Darating ang araw, tanging ang mga lalaking seryoso sa kanilang priesthood, sa masigasig na paghahangad na maturuan ng Panginoon mismo, ang maaaring magbasbas, gumabay, magprotekta, magpalakas, at magpagaling sa iba.” —Russell M. Nelson, “Ang Halaga ng Kapangyarihan ng Priesthood,” 67–68.
-
Ama: “Ang papel ng ama ay may banal na pinagmulan, simula sa isang Ama sa Langit at, sa mundong ito, kay Amang Adan. …
“… Ang pagiging ama ay nangangailangan ng sakripisyo. …
“Ang mahalin ang ina ng kanyang mga anak—at ipakita ang pagmamahal na iyon—ay dalawa sa pinakamabubuting bagay na magagawa ng isang ama para sa kanyang mga anak. Pinagtitibay at pinatatatag nito ang pagsasama ng mag-asawa na siyang pundasyon ng kanilang buhay-pamilya at seguridad.” —D. Todd Christofferson, “Mga Ama,” 94, 95.