Mga Bata
Ang mga Mag-anak ay Walang Hanggan
Dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa panunumbalik ng mga susi at kapangyarihan ng priesthood na ibuklod ang mga pamilya maaari nating makapiling ang ating pamilya magpakailanman! Ano ang gustung-gusto mo tungkol sa iyong pamilya? Sundin ang mga tagubiling ito para magawa ang paper chain na ito upang ipagdiwang ang iyong pamilya.
-
Itupi nang dalawang beses sa gitna ang isang pirasong papel para mayroon kang isang mahabang strip.
-
Magdrowing ng isang tao na abot ang mga kamay sa nakatuping mga gilid.
-
Gupitin ang tao. Huwag gupitin kung saan umabot ang mga kamay sa nakatuping mga gilid.
-
Iladlad ito. Sumulat o magdrowing ng isang bagay na gustung-gusto mo tungkol sa bawat miyembro ng pamilya.
-
Magdikit-dikit ng maraming kadena kung mas malaki ang iyong pamilya!