2018
Si Moroni at ang Mekaniko
January 2018


Si Moroni at ang Mekaniko

“Aakayin sila ng isang maliit na bata” (2 Nephi 30:12).

Moroni and the Mechanic

Maraming taon na ang nakalipas, ang aming pamilya ay nagbibiyahe pauwi sa São Paulo, Brazil, matapos bumisita sa mga kamag-anak namin. Nang paakyat na kami sa isang matarik na daan, nasira ang aming kotse.

Sinikap naming paandarin muli ang kotse sa loob ng ilang minuto. Pero ayaw nitong umandar. Maraming kotse na ang dumaan. Walang tumigil para tumulong.

Sa huli sinabi ko sa pamilya ko na dapat kaming manalangin. Ang anak kong anim na taong gulang na si Moroni, ay nagsabing “Huwag po kayong mag-alala, Itay. Nagdasal na po ako.”

“Ano ang ipinagdasal mo?” tanong ko.

“Nagdasal ako sa Ama sa Langit na dumating ang tamang tao para tulungan tayo,” sabi niya.

Hindi nagtagal ay lumitaw sa likuran ng aming kotse ang dalawang maliliwanag na ilaw. Iyon ay isang tow truck. Ang nagmamaneho ay isang mekaniko.

“Napakapalad ninyo,” sabi niya. “Kagagaling ko lang sa trabaho at pauwi na ako.”

Inayos niya ang aming kotse. Pagkatapos ay sinundan niya kami para siguruhing makakauwi kami nang ligtas.

Tinanong ko si Moroni kung alam ba niya kung gaano ka-espesyal ang karanasang ito. “Siyempre naman po,” sabi niya. “Sinagot po ng Ama sa Langit ang dasal ko. Kaya ngayon may sarili na akong patotoo! Hindi ko na po kailangang manghiram sa inyo, Itay.” Naantig ang puso ko sa matapat na halimbawa ni Moroni.

Malaki na ngayon si Moroni, ngunit naaalala ko pa rin ang kanyang mabuting halimbawa noong maliit pa siya. Kahit bilang isang bata, maaari kang maging halimbawa sa iyong pamilya at mga kaibigan.